Hugot ni Erik Santos: Kung sino pa ang mga icon, sila pa 'yung sobrang bubuti ng kalooban | Bandera

Hugot ni Erik Santos: Kung sino pa ang mga icon, sila pa ‘yung sobrang bubuti ng kalooban

Ervin Santiago |October 12,2022
facebook
share this

Hugot ni Erik Santos: Kung sino pa ang mga icon, sila pa ‘yung sobrang bubuti ng kalooban

Ervin Santiago - October 12, 2022 - 07:06 AM

Hugot ni Erik Santos: Kung sino pa ang mga icon, sila pa 'yung sobrang bubuti ng kalooban

Erik Santos

NALUHA ang Kapamilya singer na si Erik Santos nang mapag-usapan ang mga totoong tao sa showbiz na patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa “Magandang Buhay” last Monday ay hindi napigilan ng binata ang maging emosyonal habang nagkukuwento tungkol sa pagkakaroon ng mga tunay na  kaibigan sa entertainment industry.

Para kay Erik, bukod sa patuloy na pag-ariba ng kanyang career, maituturing din niyang biggest blessing ang mga kapamilya niya sa ABS-CBN.

“It’s so great to be surrounded by real friends, especially dito sa industriya na lagi nilang sinasabi na napakahirap makahanap at makatagpo ng mga tunay na kaibigan.

View this post on Instagram

A post shared by Erik Santos (@eriksantos)


“Ako I am so proud to tell the world na kayo dito, tunay ko kayong kaibigan. Kasi beyond showbiz ang dami nating pinag-uusapan mga personal na buhay. ‘Yung mga hindi alam ng mga tao na pinagdadaanan natin, di ba?” pagbabahagi ni Erik sa nasabing panayam.

Ilan sa mga bumati sa kanya sa programa ay sina Janine Berdin, Jason Dy at Jonathan Manalo na siyang nag-compose ng “Pagbigyang Muli,” ang unang kantang pinasikat ni Erik.

May espesyal ding pagbati para sa kanyang kaaraaan ang mga host ng “Magandang Buhay” na sina Melai Cantiveros, Regine Velasquez at Jolina Magdangal na halos mapaiyak din habang nagpapasalamat kay Erik na itinuturing na rin niyang parang tunay na kapatid.

Bahagi ng mensahe ni Erik, “Minsan nga sinasabi ko kung sino pa ang mga icon, sila pa ‘yung sobrang bubuti ng kalooban na handa sila, nandiyan palagi sa mga mas nakababatang singers like us.

“So Ate (Regine) and the rest of of the icons sina Kuya Martin (Nievera), sina Kuya Gary (Valenciano), si nanay Zsa Zsa (Padilla), si Kuya Ogie (Alcasid), thank you.

“Sa mga kaibigan ko kay Jolens na lagi niyang kinakamusta ang kalagayan ko. You are a blessing to me talagang isa ka sa mga tunay kong kaibigan,” aniya pa.

Nauna rito, nag-post nga ang singer sa Instagram nu’ng mismong birthday niya para bigyang-pugay ang kanyang ina.

Ang tanging hiling lamang niya sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ay ang paggaling ng kanyang inang may sakit. Ito rin ang nabanggit niya nang mag-celebrate siya ng birthday sa “ASAP Natin ‘To” nito last Sunday.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/299541/erik-sa-paghahanap-ng-kanyang-the-one-kailangan-grabe-yung-faith-niya-kay-god https://bandera.inquirer.net/299180/erik-santos-nangakong-hindi-iiwan-ang-pamilya-kahit-may-asawat-anak-na https://bandera.inquirer.net/304203/erik-santos-nakipagkulitan-kay-angeline-quinto-narinig-ko-sabi-niya https://bandera.inquirer.net/296193/angeline-maligaya-na-sa-piling-ng-bf-inaming-nag-try-sila-ni-erik-pero-sabi-ko-wag-na-nating-pilitin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending