Erik sa paghahanap ng kanyang 'the one': Kailangan grabe yung faith niya kay God | Bandera

Erik sa paghahanap ng kanyang ‘the one’: Kailangan grabe yung faith niya kay God

Reggee Bonoan |December 04,2021
facebook
share this

Erik sa paghahanap ng kanyang ‘the one’: Kailangan grabe yung faith niya kay God

Reggee Bonoan - December 04, 2021 - 06:04 PM

Erik sa paghahanap ng kanyang 'the one': Kailangan grabe yung faith niya kay God

ILANG taon ng malamig ang Pasko ni Erik Santos kaya sa tuwing makakausap namin siya ay lagi naming binibirong ‘wala ka na sa kalendaryo, single ka pa rin?’

Ang gagawin niya ay yayakapin kami ng mahigpit para hindi na kami magsalita pa ulit dahil baka kung ano pa ang masabi namin, ha, ha.

Ayon sa King of OPM Theme Songs ay umaasa siyang may darating na tamang babae sa kanya at swak sila sa lahat ng bagay, katwiran niya, “Itinakda, pero hindi Tinadhana.”

Ito ang sabi niya nang maka-tsikahan siya sa ginanap na face to face mediacon na ginanap sa Academy of Rock para sa launching ng Christmas song niyang “Paskong Kayakap Ka” na sinulat at nilapatan ng tunog ni Jonathan Manalo sa loob lang ng ilang araw.

Isa kasi sa natanong kay Erik ay ano ang naging dahilan kung bakit hindi sila itinadhana ni Angeline Quinto na matagal din silang naging laman ng mga balita.

“Okay naman kami, kaya lang hindi kami swak, mas okay kami as friends. Siguro hindi pa talaga siya,” saad ng mang-aawit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by eriksantos (@eriksantos)


Sa kasalukuyan ay ilang taon na ring dumaan ang paskong wala siyang kayakap, “Wala talaga. Siguro unan ko. Medyo malamig. Minsan kailangan mo rin talaga ‘yung taong nagpapasaya sa’yo. Pero kung hindi pa talaga dumadating wag natin pilitin. Kasi minsan pag pinipilit natin doon tayo nagkakamali.”

Pero inamin niya na may gusto siya ngayon, “meron akong gusto pero kung nagkakaroon ako ng ganap, yung parang hindi kayo akma. Meron naman, tao lang ako.”

Baka naman kasi choosy masyado na si Erik kaya hirap siyang makatagpo ng babaeng para sa kanya.

“Sa ngayon ang hinahanap ko na qualities ‘yung mamahalin talaga ako. Kailangan grabe yung faith niya kay God, pareho kami ng values in life and mahal din niya ang pamilya ko,” sabi ng binatang singer.

Ayaw na niyang magbigyan ng time frame dahil sa edad niyang 39 ngayon ay tingin niya nauunsiyame.

“Dati meron akong time frame. Dapat 30 may asawa na ako at dapat 32 meron na akong mga anak. Pero ganun pala talaga. Kung ano ang plano mo pero kung hindi plano ng Diyos, mas naniniwala ako na meron mas magagandang plano sa’yo ang Panginoon.

I am still taking my time. I’m not getting any younger,” katwiran niya na ngayon.

Speaking of Paskong Kayakap Ka ay si Erik mismo ang nag-request kay Jonathan na igawa siya ng awiting pamasko na handog niya sa mga kababayan natin na kasama at hindi makakasama ang kanilang mga pamilya ngayong Kapaskuhan

“Actually, hindi na ako umasa kung magagawa ni Jonathan since masyado siyang busy ngayon kaya nagulat ako na tumawag siya nitong November na gawa na nga at dire-diretso na ang recording. October ko siya sinabihan,” kuwento ni Erik.

Ang “Paskong Kayakap Ka” single ay mapapakinggan sa ABS-CBN Star Music YouTube channel at sa iba’t ibang digital music platforms at para sa mga detalye ay pumunta lang sa Star Music on Facebook at i-follow sa Twitter at Instagram @StarMusic PH.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by eriksantos (@eriksantos)

Samantala, sa panahon ng pandemya ay marami ang nawalan ng trabaho tulad nilang mga performers dahil nawalan ng events at gigs, ang iba naman ay nagsara na ang negosyo dahil lugi at iba pa.

Sa kabila ng lahat ay malaki ang pasalamat ni Erik dahil ang negosyo nila ng manager niyang si Erickson Raymundo, CEO at Presidente ng Cornerstone Entertainment kasama ang iba pang kasosyo nila ay tuluy-tuloy ang Secret Scents business nila at marami silang nabigyan ng trabaho rito.

“Sobrang thankful kami kasi may epekto siyempre dahil sa pandemya hindi naman kami nagsara, marami namang natulungan para maitawid pang-araw-araw nilang pangangailangan,” sambit ng binata.

At dahil namahagi ng sample ay, “hayan magkaka-amoy na tayong lahat kapag ginamit ninyo itong Secret Scents ko kasi ito talaga ginagamit ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay nasa Dubai si Erik para sa “Paskong Handog Para Sa Pinoy” sa December 10 na gaganapin sa Festival Arena, Dubai Festival City at kasama niya sina

Catriona Gray, Sam Milby, Yeng Constantino at K Brosas.

Related Chika:
Erik Santos nangakong hindi iiwan ang pamilya kahit may asawa’t anak na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending