Paolo sa hiwalayan nila ni Yen: Masyado na kayong may alam sa buhay ko!
IWAS na iwas ang Kapuso actor at TV host na si Paolo Contis sa isyu ng paghihiwalay umano nila ng girlfriend niya ni Yen Santos.
Nagsimulang kumalat ang chika ng breakup ng celebrity couple nang burahin lahat ni Yen ang lahat ng litrato nila ni Paolo together.
Bukod dito, in-unfollow din ni Yen ang lahat ng mga pina-follow niya sa Instagram kabilang na si Paolo.
Kaya naman nang makorner siya ng media sa premiere night ng bago niyang pelikula na “Fuchsia Libre” ay natanong siya tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Yen.
View this post on Instagram
Sagot ni Paolo, hindi raw muna siya magsasalita ng anuman tungkol sa kanila ni Yen dahil gusto niyang gawing pribado kung anuman ang nangyayari sa personal niyang buhay.
“No comment! As I always say, masyado na kayong may alam sa buhay ko so I’d like to keep my personal life personal,” ang pag-iwas ng Kapuso star sa isyu.
Nang i-check namin ang Instagram account ni Pao, pina-follow pa rin naman niya si Yen pero in-unfollow niya ang lahat ng nasa kanyang IG list.
Hindi rin niya binura ang mga photos nila ni Yen sa IG.
Baka Bet Mo: Hirit ni Sunshine Cruz: ‘I’m 45, siguro huwag na tayong magpabebe when it comes to lovelife’
Noong November,2023 nagsalita si Paolo sa “Fast Talk With Boy Abunda”. Tanong sa kanya ni Tito Boy, “Dahil ito’y napag-uusapan, tanong ng bayan — Kayo na ba ni Arra San Agustin, kayo pa ba ni Yen? Will you talk or will you dare?”
“Talk. Para matapos na,” say ni Paolo. “Yes. Kami pa ni Yen,” aniya.
Ipinaliwanag ni Paolo na ang viral video nila ni Arra ay edited, “And alam mo, ‘yung mga kumakalat sa ‘min ni Arra, it’s an edited video of a portion in ‘Eat Bulaga.’
“It was maliciously edited. It’s a skit love triangle ni Arra, ako, at saka si Candy played by Betong and they just keep on posting our side of it,” sabi pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.