Hirit ni Sunshine Cruz: 'I'm 45, siguro huwag na tayong magpabebe when it comes to lovelife' | Bandera

Hirit ni Sunshine Cruz: ‘I’m 45, siguro huwag na tayong magpabebe when it comes to lovelife’

Ervin Santiago |May 29,2023
facebook
share this

Hirit ni Sunshine Cruz: ‘I’m 45, siguro huwag na tayong magpabebe when it comes to lovelife’

Ervin Santiago - May 29, 2023 - 07:40 AM

Hirit ni Sunshine Cruz: 'I'm 45, siguro huwag na tayong magpabebe when it comes to lovelife'

Sunshine Cruz

IWAS na iwas si Sunshine Cruz na pag-usapan ang tungkol sa lovelife nang makachikahan siya ng ilang members ng entertainment media sa grand presscon ng seryeng “Unbreak My Heart.”

Natanong kasi ang aktres kung kumusta na ang kanyang buhay pag-ibig dahil nga sobrang happy ngayon ng ex-husband niyang si Cesar Montano sa current partner nitong si Kath Angeles.

Ayon kay Sunshine, masayang-masaya ang buhay niya ngayon pero hindi niya binanggit kung may bago na siyang boyfriend matapos silang maghiwalay ng ex-dyowa niyang si Macky Mathay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)


“Palagi akong happy because sinong hindi magiging happy sa mga blessings na dumarating? Hindi naman porke’t may love life o hindi, du’n ka lang magiging masaya,” sabi ni Sunshine na itinuturing na big blessing ang pagkakasama niya sa cast ng powerhouse cast ng “Unbreak My Heart.”

At sa tanong nga kung handa na ba siyang magkadyowa uli, “Nakupo, Lord! Ayoko!”

Hirit pa niya, “Handa akong mag-memorize ng script at makipagsampalan muna kay Miss Jodi (Sta. Maria) para dito sa Unbreak My Heart. So I’m really focused on work and my children.”

Baka Bet Mo: Paulo nagsalita na tungkol sa lovelife: Ako po, si Janine lang ang hinihintay…

Tumanggi rin si Sunshine na sagutin ang sumunod pang tanong na may kauganayan sa kanyang lovelife, “As much as possible, I really don’t wanna talk about after what has happened in the past (paghihiwalay nila ni Macky).

“I am 45, siguro huwag na tayong magpabebe when it comes to lovelife, di ba? So, kung may dumating, may dumating. Pag wala, wala.

“Pero it’s really something I really want to keep to myself starting now.

“I don’t wanna talk about any of my personal love life, right, yeah, I’m sorry. Ano na, dapat matuto na tayo,” ang pahayag pa ni Sunshine.

Sa panayam sa kanya ng “Fast Talk with Boy Abunda” sinabi ni Shine na hindi talaga siya nagsalita tungkol sa break-up nila ni Macky, “I chose to be quiet because merong mga bata na involved, mga anak niya na napamahal sa akin at yung mga anak ko na napamahal kay Macky.

“So, nag-decide ako na maging quiet na lang, kasi hindi naman talaga alam ng publiko kung ano yung mga pinagdadaanan namin or kung ano yung pinagdaanan ko. Parang ang feeling ko, Tito Boy, hindi na dapat talaga ma-involve ang publiko dito.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Aniya pa, “Ang na-realize ko lang dito sa relationship, and even with my ex-husband, Cesar, tatlo ang importanteng bagay sa relationship,  hindi lang love.

“Dapat nandu’n ang trust, nandu’n ang respect. Pag merong isang nawala dun, it’s not going to work. And sa edad kong ito, I am 45 years old, hindi na dapat pinapatagal.

“Of course, you give your second chance, third chance, hanggang 10 pa nga na beses magbibigay ka, e. Pero at the end of the day, you wake up one day at mari-realize na wala nang patutunguhan ang relationship.

“You just have to be thankful for the years you’ve been together. Naging maganda yung pagsasama niyo, nagmahalan kayo, naging inspiration kayo sa isa’t isa,” aniya pa.

Coco ayaw pa ring ibandera ang lovelife: ‘Ba’t ko hahayaang masaktan ako at ang pamilya ko, mas gusto kong tahimik lang’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julie Anne nililigawan na nga ba ni Rayver? ‘Mas okay siguro kung siya na lang po ang tanungin n’yo’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending