Paulo nagsalita na tungkol sa lovelife: Ako po, si Janine lang ang hinihintay... | Bandera

Paulo nagsalita na tungkol sa lovelife: Ako po, si Janine lang ang hinihintay…

Ervin Santiago |January 05,2022
facebook
share this

Paulo nagsalita na tungkol sa lovelife: Ako po, si Janine lang ang hinihintay…

Ervin Santiago - January 05, 2022 - 10:16 AM

Janine Gutierrez at Paulo Avelino

IWAS na iwas ang Kapamilya stars na sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa mga tanong na may konek sa tunay na estado ngayon ng kanilang relasyon.

Na-hot seat ang mga bida ng romcom series na “Marry Me Marry You” nang muli silang humarap sa members ng entertainment media kahapon via zoom.

May mga chika kasi na naging totohanan na umano ang kanilang relasyon matapos magkadebelopan habang ginagawa nila ang “Marry Me Marry You.”

Sa kuwento ng serye, gumaganap na silang mag-asawa at base sa mga nababasa at naririnig naming komento mula sa mga manonood, natural na natural na ang aktingan ng dalawa na parang totoo talagang may relasyon na in real life.

Simula pa lang ng online presscon ay ang ganda-ganda na ng mga ngiti nina Janine at Paulo kaya nang tanungin na kung ano na ba talaga ang score sa pagitan nila ay halos puro smile lang din ang sagot nila.

Hindi diretsong sinagot ni Janine ang tanong sa halip ibinaling niya ang kanyang kuwento sa mga co-stars nila sa serye sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano na naging magkarelasyon nga in real life matapos magkasama sa kanilang teleserye.

“Ha-hahaha! Gusto ko lang sumagot na lahat kami naiinggit kay Miss Pie at kay Tito Edu kapag nakikita namin sila magkasama.

“Walang tatalo sa kaswitan nila kasi. Tsaka talagang tinakasan nila kami today,” natatawa pa ring saad ni Janine. Hindi kasi naka-attend sa presscon ang celebrity couple.

At nang muling tanungin sina Janine at Paulo na maraming viewers at fans ang umaasang magkakatuluyan din sila, puro ngiti pa rin ang sagot nila.

Hanggang sa tanungin na rin ng ating friendship at colleague na si Jun Lalin si Paulo kung ano na ba talaga ang tunay na estado ng relasyon nila ng aktres.

“Hay salamat!” ang natatawang sabi ni Janine dahil nakaiwas na siya sa hot seat.

Hirit naman ni Paulo, “Ako po, si Janine lang hinihintay lagi. So, tingnan natin kung hindi kami masyadong busy for this year. May sari-sarili kaming gagawin for this year.”

Magkasama pa rin kasi ang dalawa sa magaganap na Kapamilya concert tour sa Los Angeles ngayong 2022 na tatagal daw ng mahigit dalawang linggo. Kaya tanong uli sa kanila baka raw doon na sila tuluyang  magkadebelopan.

Birong tugon ni Paulo, “Pero hindi naman kami sa isang kuwarto matutulog.” Na sinagot ni Janine ng, “Huy! Dapat lang! Ha-hahaha!” 

Hindi raw kaya nagpaparamdam na si Paulo pero dedma lang si Janine? “Ganu’n po,” sey agad ng aktor. Na sinagot ni Janine ng, “Uy!” habang tawa nang tawa.

Natapos ang presscon nang walang nakuhang kumpirmasyon ang press mula sa dalawa. Pero kung kami ang tatanungin, malakas ang feeling namin na may relasyon na sina Pao at Janine base na rin sa kanilang body language at super sweet na mga ngiti.

Samantala, sinagot naman ng rumored couple ang tanong kung ano ang mga natutunan nila about love sa “Marry Me Marry You” na pwede nilang i-apply sa tunay na buhay?

“Parang wala pa naman ako ma-apply in real life. Parang wala pa naman nagmamahal sa akin,” birong tugon uli ni Paulo sabay sabing ang pagpapahalaga sa pamilya ng magiging karelasyon niya ang isa sa mga natutunan niya sa serye.

“Siguro one of the lessons din na puwede ko ma-apply in real life, sometimes you think it’s just you and me against the world. Na parang mahal kita, mahal mo ako, that’s the only thing that matters.

“But, ang totoo niyan, kailangan mo rin mahalin talaga yung mga tao na nasa paligid ng minamahal mo, whether they’re kind to you or not, whether they don’t like you or not.

“Walang talo kapag nagbibigay ka ng pag-ibig at pagmamahal at kasiyahan sa mga taong minamahal mo at minamamahal ng mahal mo,” lahad ng binata.

Para naman kay Janine, “Ako, tungkol sa pagmamahal nang buo. Favorite ko nga yung isang song sa soundtrack na ‘Buo.’

“Kasi, parang it just talks about how you don’t have to be with someone who’s perfect, but someone who’s real and someone who loves you.

“Yung mamahalin mo yung buong pagkatao nila. I think maa-apply mo yun sa tunay na buhay,” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)


Kung matatandaan, nabalitang nag-break na si Janine at ang boyfriend na si Rayver Cruz noong October, 2022 habang si Paulo naman ay single na rin na ang huling naging dyowa ay ang Australian model na si Jodie Tarasek.

Inamin naman ng aktor na open siya sa posibilidad na maging sila ni Janine, “Kasi, parang… kumbaga, alam ko, itatanggi na naman ako ni Janine. Lumabas na kami dati, hindi lang…

“Kung mangyayari ngayon, kung ngayon ang pagkakataon na ito na single siya and single rin ako, e, di, okay,” pag-amin ni Paulo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, marami pang pasabog na handog ang “Marry Me Marry You” kaya tutukan ang “Merrily Ever After” finale gabi-gabi, 8:40 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. 

Paulo ipinakulam daw ng galit na fan: Parang hindi naman effective

Janine sa pagtatrabaho sa ABS-CBN: I’m so happy to be here at naramdaman ko yung alaga…

Paulo, Jake ibinuking ni Janine: Pareho silang bully, lumabas ang tunay nilang pagkatao! Char!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending