Sunshine Cruz pinayuhang mag-behave si Cesar Montano, swerte raw sa bagong partner | Bandera

Sunshine Cruz pinayuhang mag-behave si Cesar Montano, swerte raw sa bagong partner

Therese Arceo |February 04,2023
facebook
share this

Sunshine Cruz pinayuhang mag-behave si Cesar Montano, swerte raw sa bagong partner

Therese Arceo - February 04, 2023 - 09:05 PM

Sunshine Cruz pinayuhang mag-behave si Cesar Montano, swerte raw sa bagong partner
SINABIHAN ng aktres na si Sunshine Cruz ang kanyang ex-husband na si Cesar Montano na magpakabait na ito sa kanyang bagong partner.

Si Kath Angeles ang tinutukoy na aktres na partner ni Cesar at may tatlo na silang anak. Ito ay sina Samuel, Kirsten, at Liam.

Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay sinabi ni Sunshine na masaya siyang maayos na ang lahat sa pagitan nila ni Cesar at talagang okay na okay sila ni Kath.

Nitong 2022 ay nagdesisyon na ang dalawa na iwan na ang mga nakaraan nilang isyu at piniling nang magkapatawarn para na rin sa kanilang tatlong anak na sina Angelina, Chesca, at Samantha.

“Very, very happy ako kasi nakikita ko kung papaano nagsa-shine ang mga eyes ng anak ko,” pagbabahagi ni Sunshine.

Modern family na nga ang set-up nila at nagsasama-sama sila sa mga espesyal na okasyon at masaya siyang makitang masaya ang mga anak.

“Sila na mismo ang nagsabi na yung piece na yon na lacking sa heart nila, parang puzzle, nabuo ulit. “And I am very, very happy that I am okay,” sey pa ni Sunshine.

Nabanggit nga rin niya na sinasabihan niyang sabihan ang dating asawa na magpakabait na sa kanyang partner.

“Sabi ko nga kay Cesar, ‘Magpakabait ka na diyan kay Kath. Napakaganda, napakabait, napakasuwerte mo. Mag-behave ka.’ Kung hindi, makakaaway niya kaming lahat ng mga anak ko,” chika ni Sunshine.

Bago pa man ang kanyang interview kay Tito Boy ay kapansin-pansin na tila nag-click at nagkasundo talaga sila Kath at Sunshine.

Sa mga Instagram posts nga ng aktres ay makikitang may care rin ito sa mga anak ng dalawa at hindi na rin niya ito itinuturing na iba.

Sey pa ni Sunshine, ““So I am very happy sa relationship that I have with all of them.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)

Related Chika:
Sunshine Cruz keribels na makasama ang pamilya ng ex-husband na si Cesar Montano, sabay na ipagdidiwang ang New Year

Sunshine Cruz sa muling pagkikita nila ni Cesar Montano: God’s perfect timing!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cesar laging take 1 sa mga pasabog na eksena sa ‘Maid In Malacañang’; Diego hindi nagpalamon sa ama

Sunshine Cruz rumesbak sa netizen na nagsabing siya ang rason sa paghihiwalay nila ni Cesar: You know nothing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending