Sunshine Cruz keribels na makasama ang pamilya ng ex-husband na si Cesar Montano, sabay na ipagdidiwang ang New Year | Bandera

Sunshine Cruz keribels na makasama ang pamilya ng ex-husband na si Cesar Montano, sabay na ipagdidiwang ang New Year

Alex Brosas |December 09,2022
facebook
share this

Sunshine Cruz keribels na makasama ang pamilya ng ex-husband na si Cesar Montano, sabay na ipagdidiwang ang New Year

Alex Brosas - December 09, 2022 - 01:58 PM

Sunshine Cruz keribels na makasama ang pamilya ng ex-husband na si Cesar Montano, sabay na ipagdidiwang ang New Year

Natuwa kami nang malaman naming willing si Sunshine Cruz na makasama ang pamilya ng ex-husband niyang si Cesar Montano sa New Year.

Okay na okay pala sa kanya blended family set-up.

Walang problema sa kanya kung makasama ng kanyang mga anak na sina Angelina, Samantha and Francheska ang kanilang ama na si Cesar pati na ang mga anak nito.

As for New Year, Cruz revealed that they’re planning to spend it in Bohol.

Sa Masquerade Ball organized by Surge Fitness+ Lifestyle kung saan ambassadors si Sunshine pati na ang kanyang taltong anak, itsinika ng aktres na sa bahay lang silang pamilya sa Christmas.

Pero sa New Year ay balak nilang mag-out of town.

“Sa New Year naman, actually nagpapa-book ako kanina,  we will spending it, December 30 to January  3 or 4 in Bohol. Magbi-beach kami ng mga kids. I don’t know kasi parang ang plano, I don’t know kung matutuloy kasi ang plano is isasama si Cesar pati ‘yung partner niya and mga kids also,” sey ni Sunshine.

Excited na si Sunshine na matuloy ito dahil minsan lang naman mangyari na makakasama ng mga anak niya si Cesar pati na ang pamilya niya.

“Sana nga matuloy, ha. Hindi pa ako sure pero ‘yun ang plano.  The kids are telling me na dad, tita Kath and siblings want to join,” chika pa ni Sunshine.

Super happy ang aktres na nagkaayos na sila ng dating asawa at nagkakasundo na ang lahat.

“Everything is okay na. Maayos na ang lahat, nagkakasundo.  Sino ba naman ang ayaw noon?” sey niya.

When we asked kung paano napapanatili ni Sunshine ang kanyang sexy figure lalo pa’t magpa-Pasko at maraming handa, sinabi niya na regular siyang nag-e-exercise sa Surge Fitness+ Lifestyle para ma-burn ang lahat ng kanyang kinain.

“May cheat days naman ako especially ngayong December kasi I’ve worked hard the past few months so ngayon kumakain talaga ako. I work out sa Surge at least three times a week. Kapag may lock-in taping, kahit ‘yung online lang. Weekdays, I watch what I eat. Weekends ang cheat day ko,” chika niya.

Kasama ni Sunshine ang daughters niya sa masquerade ball at ang naririnig naming sinasabi ng mga guests ay para lang silang magkakapatid.  At 45, walang magsasabing matandang tingnan si Sunshine dahil halos magkakaedad lang sila ng kanyang mga anak sa hitsura.

Related chika:

Cesar laging take 1 sa mga pasabog na eksena sa ‘Maid In Malacañang’; Diego hindi nagpalamon sa ama

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marjorie kay Dennis: People misjudged me…alam kong naging mabuti akong asawa

Ex-husband ng kilalang female personality nahuling nakikipaghalikan sa ‘friend’ ng ex-wife?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending