Arra San Agustin ayaw sumali sa beauty contest: Maninigas talaga 'ko sa stage! | Bandera

Arra San Agustin ayaw sumali sa beauty contest: Maninigas talaga ‘ko sa stage!

Ervin Santiago |May 23,2021
facebook
share this

Arra San Agustin ayaw sumali sa beauty contest: Maninigas talaga ‘ko sa stage!

Ervin Santiago - May 23, 2021 - 09:30 AM

MARAMI ang nagtatanong sa Kapuso actress na si Arra San Agustin kung may balak ba siyang mag-join sa mga beauty pageant.

Base raw kasi sa mga ipino-post niya sa Instagram, lalo na ang kanyang mga swimsuit at bikini photos, pasadung-pasado siyang maging beauty queen.

Sa isang panayam, sinagot naman ito ng dalaga at sinabing hindi raw niya kaya ang pressure ng pagsali sa mga pageant tulad ng Binibining Pilipinas at Miss Universe Philippines.

“Tsaka parang over age na ako. Kasi ‘di ba ang alam ko…I’m 26 na but looking 18. Ha-hahaha! Joke lang!” pahayag ng Kapuso star.

Sey ng dalaga, mahabang panahon ang kailangan sa pagsali sa isang beauty pageant, lalo na pagsabak sa iba’t ibang training.

“Overage na ako kasi may training pa ‘to. Alam ko nagte-training pa ‘tong mga sumasali sa mga pageants, mga beauty queens natin bago sila sumabak. At kailangan din ata, if I’m not mistaken, experiences,” aniya pa.

Inamin din ni Arra na, “Hindi ko din talaga siya nahiligan. Very shy ako, wallflower ako. Hindi ko kaya ‘yung mga ganu’n.”

Dagdag pang paliwanag ng aktres, kahit nag-aartista siya at medyo sanay nang humarap sa mga tao, iba pa rin daw ang pressure pagdating sa beauty pageant.

“Napaka-ironic niya sa trabaho ko dahil artista, humaharap sa mga tao, humaharap sa mga camera.

“Iba na ‘yung datingan kapag ang daming nanonood sa’yo sa stage. Feeling ko maninigas talaga ako, hindi ko kaya,” katwiran pa ni Arra.

* * *

Nasa lock-in taping na ang lead stars ng upcoming GMA Afternoon Prime series na “Las Hermanas.”

Tampok sa serye ang pagsasama-sama ng mga mahuhusay na Kapuso actress na sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino at Faith da Silva na gaganap bilang magkakapatid.

Makakasama rin nila rito si Jason Abalos at ang nagbabalik-Kapuso na si Albert Martinez.

Mapapansin naman sa behind-the-scene photos na ibinahagi ni Yasmien sa kanyang Instagram na talagang nag-eenjoy ang cast members sa kanilang lock-in taping.

Sabi pa ng aktres, “Las Hermanas soon on GMA 7. #TheLoveSisters. May photobomber kami, pang-apat sa Las Hermanas. Chos! Meet Gabriel (Jason).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mula sa direksyon ni Monti Puno Parungao, abangan ang nakakaintrigang kuwento ng “Las Hermanas” na malapit nang mapanood sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending