Kiray nagsusuot ng sexy OOTD hindi para bastusin at laitin: Allow me to be confident with my body | Bandera

Kiray nagsusuot ng sexy OOTD hindi para bastusin at laitin: Allow me to be confident with my body

Alex Brosas |December 14,2021
facebook
share this

Kiray nagsusuot ng sexy OOTD hindi para bastusin at laitin: Allow me to be confident with my body

Alex Brosas - December 14, 2021 - 04:52 PM

Kiray Celis at Stephan Estopia

NAGPATUTSADA na naman si Kiray Celis sa kanyang mga bashers.

Sa kanyang latest post sa Instagram, may pahaging ito sa mga bashers na namba-body shame. 

“Not because I’m wearing revealing clothing doesn’t mean I want to be disrespected. Allow me to be confident with my body and to wear whatever I like. 

“Lastly, stop assuming that ladies dress up to impress boys…And I, thank you! HAHAHAHA!”

That was Kiray’s caption sa kanyang IG photo which showed her in a one-piece bikini. Nag-agree naman ang fans and followers ni Kiray.

“Exactly NO to Body shaming diba… e flunt ang makinis na pwet di ba.”

“I love you Kiray kahit matanda na ako pero inidolo kita mula p nuong Ms. Little philippines till now. That’s why I like to much.”

“Inggit lang sila sa yo Kiray ganda yata at sexy ang idol ko.”

“I really like ur body cutie pie… bus.ok… keep safe.”

“Inggit lang mga tao kase wala sila sexy pwet like u. you are confidently beautiful.”

Sa isang post naman ay binati ni Kiray ang kanyang boyfriend na si Stephan Estopia dahil sa kanilang second anniversary.  

“Bago matapos itong araw nato, gusto kitang batiin ng Happy happy happy 2nd anniversary @stephan.estopia. 

“Maraming salamat sa pagmamahal, respeto, katapatan, tiwala, suporta at pagaaruga. Mahal na mahal kita!”

That was Kiray’s caption sa photo niya kasama ang boyfriend. 

View this post on Instagram

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


* * *

Bumalik muli kay Rica (Charlie Dizon) ang alaala nang gabing nagahasa siya ni Jigs (Markus Paterson) matapos siya muling ma-harass nang boss sa kanyang pinag-aaplayan na trabaho nitong Lunes (Dis.13) sa “Viral Scandal.”

Abot langit nga ang takot ni Rica matapos siyang hawakan sa braso ng lalaking nag-iinterview sa kanya. Buti na lang at pumasok ang sekretarya ng lalaki at napansin ang pangha-harass na ginagawa nito kay Rica.

Kahit ganoon ang nangyari, sinubukan pa rin ni Rica na tumuloy sa kanyang pangalawang interview.

Pero nang malamang lalaki muli ang kakausapin niya ay tumakbo siya palabas ng office nito. 

Sa kanyang paglabas, nadulas siya at may naiwang isa sa kanyang dinesenyong building.

Makikita naman ito ni Kyle (Joshua Garcia) na siyang mag-iinterview kay Rica kung sakaling tumuloy ito. Agad nga niyang ibinigay ang papel sa sekretarya at ipinahanap ang may-ari nito.

Abot langit nga ang takot ni Rica matapos siyang hawakan sa braso ng lalaking nag-iinterview sa kanya. Buti na lang at pumasok ang sekretarya ng lalaki at napansin ang pangha-harass na ginagawa nito kay Rica.

Kahit ganoon ang nangyari, sinubukan pa rin ni Rica na tumuloy sa kanyang pangalawang interview. Pero nang malamang lalaki muli ang kakausapin niya ay tumakbo siya palabas ng office nito. Sa kanyang paglabas, nadulas siya at may naiwang isa sa kanyang dinesenyong building.

Makikita naman ito ni Kyle (Joshua Garcia) na siyang mag-iinterview kay Rica kung sakaling tumuloy ito. Agad nga niyang ibinigay ang papel sa sekretarya at ipinahanap ang may-ari nito.

Samantala, patuloy ang panggugulo ni Archie (Vance Larena) kay Jigs. Ngayon, gusto ni Archie na umamin na si Jigs na rinape niya si Rica at maglabas ng public apology. Binigyan niya ito ng dalawang araw para magawa ito o nagbantang ilalabas na ang ibang babaeng nabiktima nito.

Gawin kaya ni Jigs ang ipinagagawa ni Archie? Malapit na kayang magkita sina Kyle at Rica?
Subaybayan ang “Viral Scandal” gabi-gabi ng 9:20 p.m. sa Kapamilya Channel at iba pang platforms ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

https://bandera.inquirer.net/283523/kiray-naiyak-nang-makaharap-ang-delivery-rider-inabutan-ng-ayuda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending