Buboy umaming pwedeng ma-in love kay Kiray; Stephan Estopia super selosong dyowa | Bandera

Buboy umaming pwedeng ma-in love kay Kiray; Stephan Estopia super selosong dyowa

Ervin Santiago |October 06,2021
facebook
share this

Buboy umaming pwedeng ma-in love kay Kiray; Stephan Estopia super selosong dyowa

Ervin Santiago - October 06, 2021 - 09:18 AM

Kiray Celis, Buboy Villar at Stephan Estopia

KNOWS n’yo ba na super seloso pala ang non-showbiz boyfriend ni Kiray Celis na si Stephan Estopia?

Yan ang diretsahang inamin ng binata sa harap ng Kapuso comedienne nang sabay silang mag-guest sa nakaraang episode ng “The Boobay and Tekla Show” sa GMA 7.

Sabi ni Stephan, “Kahit maliit na bagay, itatanong ko na sa kanya, kahit wala namang ikaka-stress levels. Itatanong ko kung ‘Sino ‘to? Sino ‘to?'” 

Hirit naman ni Kiray, “Parang tanga. Kasi medyo OA. ‘Sino ‘to? Sino ‘to?’ Puro sino ‘to? Eh, minsan naman hindi ko naman kakilala. At saka kasi alam ‘yan ni Buboy (Villar, kaibigan niya). Sa work namin ganu’n ako ka-friendly, lalaki, babae, kaibigan ko lahat?”

Paliwanag pa ng komedyana, “Kaya in-explain ko sa kanya, ‘Puro friends lang naman.’ ‘Kaibigan ko ‘yun, kaibigan ko ‘yun.'”

Kuwento pa ng dalaga, talagang ibinigay daw sa kanya ng dyowa ang password ng cellphone nito para patunayang wala siyang dapat itago.

“Kasi siya, lahat binibigay niya, lahat ng password niya. Ako na lang ang tamad na mag-open. Ganu’n ‘yung tiwala namin sa isa’t isa talaga. ‘Pag may trust ka talaga sa taong mahal mo, wala kang iisipin na masama,” sey pa ni Kiray.

May mensahe naman si Stephan sa mga haters na nagsasabing may mahahanap pa raw siya na mas maganda, mas matangkad at mas sexy kesa kay Kiray.

“Sa mga basher po, hindi ko na rin po sila pinagpapapansin talaga kasi wala naman akong mapapala sa kanila, eh. Ang importante nagmamahalan kami,” pahayag ng binata.

Samantala, inamin naman ni Buboy na posible talagang ma-in love ang isang lalaki kay Kiray, “Sa totoo lang, si Kiray matagal ko nang katrabaho talaga ‘yan, as in noong nasa (kabilang network) pa ako. Baby na baby pa lang ako, Kiray na ‘yan, kumbaga idol na ‘yan.

“Kumbaga mataas ang respeto ko sa babae na ‘yan. Kaya sinasabi ko na puwedeng ma-in love nga rin ako kay Kiray eh, kung tutuusin. Legit!” pag-amin ng Kapuso comedian.

“Hindi dahil sa gusto kitang pagselosin tol, pramis! Puwede ka talagang ma-inlove kay Kiray lalo na…kapag hindi mo kasi siya kilala, ‘yung iba maiinis sa kaniya eh, kasi ‘Bakit ganiyan ka magsalita?’ tapos sobrang prangka. Pero maganda ‘yung taong ganu’n, kasi alam mong hindi plastic sa ‘yo.”

Dagdag pa niya, “‘Yun ‘yung gusto ko, na parang, tama ‘yung sinabi ni Stephan, na totoo siya sa mga sinasabi niya. So ‘yung mga sasabihin niya sa ‘yo, ‘yun ‘yung mga panghahawakan mo talaga.”

At sa tanong kung nagsisi ba si Buboy na hindi niya niligawan si Kiray, “Hindi! Kasi meron na siyang boyfriend eh!”

Sey naman ng komedyana, “Bakit parang ang pangit ng pagkaka-hindi mo? Bakit parang dehado ako?” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot ni Buboy, “Ang sinasabi ko, okay na ‘yung magkatrabaho tayo. I mean, sinusuportahan kita, sinusuportahan mo ako. Nandito ako bilang kaibigan mo my friend. Promise!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending