Aljur hindi raw pabayang ama, nakiusap sa mga Marites: 'I have to protect my familly, I have to protect my kids' | Bandera

Aljur hindi raw pabayang ama, nakiusap sa mga Marites: ‘I have to protect my familly, I have to protect my kids’

Ervin Santiago |March 05,2023
facebook
share this

Aljur hindi raw pabayang ama, nakiusap sa mga Marites: ‘I have to protect my familly, I have to protect my kids’

Ervin Santiago - March 05, 2023 - 07:29 AM

Aljur hindi raw pabayang ama, nakiusap sa mga Marites: 'I have to protect my familly, I have to protect my kids'

Aljur Abrenica at ang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo Abrenica

SUMUSUMPA ang hunk actor at celebrity daddy na si Aljur Abrenica na isa siyang responsableng tatay sa dalawang anak nila ni Kylie Padilla.

Pinabulaanan ni Aljur ang mga tsismis na pinababayaan niya sina  Alas Joaquin at Axl Romeo na nasa pangangalaga ngayon ng kanyang estranged wife na si Kylie.

Nakorner ng ilang miyembro ng entertainment media si Aljur sa naganap na grand launching ng Gutierez Celebrities and Media Productions na pag-aari ni MJ Gutierez, sa SM North Skydome kamakailan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)


Aniya, maayos na ang relasyon nila ni Kylie at ang co-parenting agreement nila para sa mga anak, “Lahat naman naka-move on na. Constant communication naman, hindi nawala ‘yun para sa mga bata.

“Choices naman. Every day we choose what’s the right path for us. We’re doing our best. I know I am doing my best para sa mga bata.

“It’s been what? Parang two years na ang issue na ito. Just to let you know, guys, we are all doing our best para sa ikabubuti ng bawat isa, para sa pamilya,” pahayag ni Aljur.

Paniniyak pa niya, “I’m responsible. Yung responsibilities ko sa kanila is on me. Sa mga nangyayari ngayon, sa mga tao, spare it na, tama na.

“It’s not helping us anymore. Not just us, even kayo, di na rin nakakatulong sa inyo yan. Totoo nga, di na nakakatulong. May natutunan na kayo, may natutunan na kayo sa nangyari. May nagkaaminan na ng pagkakasala, lahat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ☽ k y l i e ♡ (@kylienicolepadilla)


“I have to protect my familly, I have to protect my kids.The damage has been done, ayoko nang madagdagan,” ang pahayag pa ng aktor patungkol sa mga taong patuloy na nangma-Marites sa personal nilang buhay.

Samantala, mas magiging exciting ang showbiz industry sa pagkakatatag sa Gutierez Celebrities and Media Productions na nakipag-collab na sa ALLTV Channel 3.

Maraming inihahandang sorpresa at pasabog ang GCMP para makatulong sa showbiz industry. Ilan sa mga naka-line up na projects nila ay ang “Jeongbu,” (starring Aljur Abrenica), “The Lasting Love To Remember,” “The Life Savers”, “Stan Party” at “Love Bound.”

May tatlo namang sikat na Tiktokerist ang ima-manage ng nasabing kumpanya na anytime soon ay ipakikilala na rin nila sa publiko.

Maxene Magalona nag-share ng 8 tips para labanan ang kanegahan: ‘Pray, meditate, tapusin ang mga toxic relationship’

Aljur matapos ang ‘breaking silence’ post: I can still say na she was the love of my life

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wish ni Kylie na lumigaya si Aljur: Ayokong makita siyang malungkot tulad noong nagsasama kami…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending