Bianca Gonzalez may ‘birthday gift’ sa sarili, pina-tattoo ang pangalan ng mga anak
ISA sa mga “bucket list” ng TV host-actress na si Bianca Gonzales ang natupad ilang araw bago ang kanyang kaarawan.
‘Yan ay ipa-tattoo ang pangalan ng kanyang mga anak na sina Lucia at Carmen.
Sa Instagram Stories nitong March 7, proud na ipinakita ni Bianca ang pagpapa-tattoo sa kanyang dalawang braso.
Caption pa niya, “Last weekend, got to check off an item from my bucket list before my 40th.”
“Thank you to my husband, [JC Intal], my enabler,” sey pa niya.
Ibinahagi rin niya ang tila font style ng ipinalagay niya.
“My daughters’ name in my handwriting on my skin honestly feels magical,” Saad niya sa isa pang IG Story.
Baka Bet Mo: Bianca Gonzalez nakaranas ng abusive relationship noon: I had to get out of that situation
At siyempre, hindi rin nakaligtaang iplex ng TV host ang finish product ng kanyang tattoo as a proud mom.
Matatandaang ikinasal sina Bianca at JC noong 2014.
Taong 2015 nang ipinanganak ni Bianca ang panganay nila na si Lucia Martine at noong 2018 naman nang isinilang niya si Carmen Eliana.
Samantala, si Bianca ang kasalukuyang isa sa mga host ng reality singing competition ng ABS-CBN na “The Voice Kids.”
Kasama niya bilang co-host si Robi Domingo na nakasama rin niya sa pagho-host ng ilang edisyon ng Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother.”
Nagsisilbi namang online hosts ng show sina Elha Nympha at Jeremy G kasama pa rin ang mga coach na sina Bamboo, Martin Nievera at KZ Tandingan.
Sa isang panayam, sinabi ni Bianca na siguradong makakatulong ang pagiging nanay niya sa bago niyang journey bilang host ng “The Voice Kids” 2023.
“I guess I understand how kids work, ‘yung moods nila, paano mo sila papasayahin, paano mo sila kikilitiin, definitely, kumbaga I maybe older now compared to before when I started hosting but now is really I feel kumbaga hinog na. This is the perfect time for me to join the show,” pahayag ni Bianca.
Halos dalawang dekada na siyang host sa ABS-CBN pero kakaiba raw ang feeling nang ialok sa kanya ang nasabing show.
“It’s funny because parang may reigniting of the fire na parang ‘uy there’s so much more I can do pa pala’ and that’s a great experience at 19 years in my career,” sey niya.
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.