Kiray Celis sang-ayon na pwede ring manligaw ang babae sa lalaki

Kiray Celis sang-ayon na pwede ring manligaw ang babae sa lalaki: ‘As long as gusto mo ‘yun, why not?’

Pauline del Rosario |May 27,2023
facebook
share this

Kiray Celis sang-ayon na pwede ring manligaw ang babae sa lalaki: ‘As long as gusto mo ‘yun, why not?’

Pauline del Rosario - May 27, 2023 - 11:58 AM

Kiray Celis sang-ayon na pwede ring manligaw ang babae sa lalaki: ‘As long as gusto mo ‘yun, why not?’

PHOTO: Instagram/@kiraycelis

VERY modern ang naging opinyon ng comedienne-actress na si Kiray Celis pagdating sa usapin ng panliligaw ng babae sa lalaki.

Para kay Kiray, walang masama kung ang babae ang gagawa ng “first move” para magustuhan ng isang lalaki.

Sa naging interview ni Kiray sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” ay tinanong ang aktres kung naniniwala ba siya na may karapatan ang babae na manligaw sa lalaki.

Mabilis na sagot ng komedyana, “Why not, diba? As long as gusto mo ‘yun, kung gusto mo ng challenge, why not diba?”

Paliwanag pa niya sa King of Talk na si Boy Abunda, “Actually, conservative naman ako Tito Boy. Hindi naman ibig sabihin na nag-first move ka, bastos na ‘yun.”

Baka Bet Mo: Kiray Celis niregaluhan ng P1-M ang ina bago pa mag-celebrate ng 58th birthday, pero binigyan ng warning ng netizens

“Kailangan nating ilayo sa isip natin na hindi porket na sinabi kong ako ang unang magfi-first move, hindi ibig sabihin ‘nun na mababastos kita or gagawa ako ng bastos sa’yo,” dagdag niya.

Aniya pa, “Ibig sabihin lang ‘nun, pwede ‘yung first move ko, ipakita ko sa’yo or sabihin ko sa’yo na gusto kita.”

Kamakailan lamang ay natanong din si Kiray sa isa pang interview kung pabor ba siya sa live-in setup.

Ang kanyang sagot ay hindi at sabay sabing, “Kasi very strict nga ang parents ko, so kailangan kasal muna bago ang lahat.”

“Kasi actually ang daming nagsasabi kasi akala live-in kami ng dyowa ko kasi ‘nung pandemic everyday siyang nasa bahay namin. So panong nangyari e lockdown nga? Kabilang kanto lang po e mula sa bahay namin,” paglilinaw ng aktres sa mga nagsasabing magka live in na sila ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia.

“Same barangay kami. Kaya ‘nung clinose ang barangay namin, makakapunta siya samin. Kasi nga bestfriend siya ng kapatid ko ‘diba, kapitbahay lang talaga,” dagdag niya.

Nabanggit din ni Kiray na hindi pa siya handang bumuo ng sariling pamilya, lalo na’t nais pa niyang mag-enjoy sa buhay.

“Hindi pa yan ‘yung priority ko at tsaka may takot kasi ako. Ayoko na hindi ako ready ‘pag nangyari ‘yun,” sey ng aktres.

Saad pa niya, “Alam kong blessing ang mga bata, ang mga babies. Sa ngayon, ngayon pa lang siguro ako nag-eenjoy ng pera ko, gusto ko pa tumulong sa parents ko kaya hindi pa ako ready sa baby.”

Inamin ni Kiray na napag-usapan din nila ito ni Stephan at siya raw ay natutuwa dahil naiintindihan ng kanyang boyfriend ang kanyang mga desisyon sa buhay.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kiray Celis ibinibigay sa mga magulang ang lahat ng kinikita sa showbiz: ‘Kung may raket-raket, ‘yun lang ang sine-save ko sa sarili ko’

Kiray binati ang sarili sa 27th birthday: Sobrang proud ako sa ‘yo kasi kung gaano ka katapang noon, ganu’n ka pa rin hanggang ngayon!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending