LJ Reyes ‘super thankful’ sa first Christmas kasama si Philip Evangelista
MASAYANG ibinandera ng aktres at celebrity mom na si LJ Reyes ang first Christmas niya bilang Mrs. Evangelista.
Sa Instagram, proud na ipinakita ng aktres ang kanyang one big family kasama ang mister na si Philip Evangelista, pati na rin ang mga anak ng aktres na sina Aki at Summer.
Pansin sa mga pictures na talagang masaya si LJ, lalo na’t kumpleto ang kanyang pamilya ngayong Pasko.
“I can’t ask for more in this lifetime [red heart, folded hands emojis]” caption ni LJ sa post.
Ani pa niya, “Merry Christmas everyone!”
Baka Bet Mo: Mark Leviste ibinandera ang larawan kasama sina Philip Salvador at Robin Padilla, netizens napataas ang kilay
View this post on Instagram
Maraming netizens naman ang napa-comment at inihayag ang kanilang tuwa dahil nakikita nilang masaya ang kanilang iniidolo sa piling ni Philip.
May iilan pa ngang nagsasabi na tila magkahawig ang kanyang mister at ang mga anak ng aktres.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Luh…parang ‘yung hubby mo po ‘yung totoong ama nila…kamukha po ‘nung mga kids niyo…Merry Christmas po [smiling with heart eyes emojis].”
“GOD is really Good, he gave you someone who deserve your love and the one who will love and respect you in this lifetime, so happy for you, GOD bless your relationship [folded hands emoji]”
“So happy that LJ is in the right man na [happy face with heart eyes emoji] Merry Christmas to you and your family [Christmas tree emoji].”
“He could literally be their biological Dad. I am sure people who do not know them would think so. I am happy to see you happy. Merry Christmas [Christmas tree emoji]”
Kung maaalala, noong Oktubre nang ikinasal sina LJ at Philip sa The Bevin House, New York City.
Noong Mayo naman nang ibinandera ni LJ ang naging wedding proposal sa kanya ng asawa na nangyari sa isang beach resort.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.