Mark Leviste ibinandera ang larawan kasama sina Philip Salvador at Robin Padilla, netizens napataas ang kilay | Bandera

Mark Leviste ibinandera ang larawan kasama sina Philip Salvador at Robin Padilla, netizens napataas ang kilay

Therese Arceo |September 03,2023
facebook
share this

Mark Leviste ibinandera ang larawan kasama sina Philip Salvador at Robin Padilla, netizens napataas ang kilay

Therese Arceo - September 03, 2023 - 12:28 AM

Mark Leviste ibinandera ang larawan kasama sina Philip Salvador at Robin Padilla, netizens napataas ang kilay

PROUD na ibinandera ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang kanyang larawan kasama sina Philip Salvador at Robin Padilla.

Sa kanyang Instagram post nitong Biyernes, September 1, ay ibinahagi nito ang ilang mga larawan na kuha sa nagdaang na 50th Anniversary ng Pentecostal Missionary Church of Christ.

At spotted nga sa isa sa mga larawang ibinahagi ni Mark ay ang groupie nila nina Philip Salvador at Sen. Robin Padilla.

Ang dalawang lalaki ay may koneksyon sa kanyang ex-girlfriend, ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Kaya naman hindi mapigilan ng ilang netizens ang mapataas ang kilay dahil sa pagiging insensitive ni Mark sa kanyang dating kasintahan.

Aware naman kasi ang lahat na ang kanyang katabi na si Philip ay ang dati ring karelasyon ni Kris at ang ama ng panganay nitong anak na si Kuya Josh.

Halo-halo ang opinyon ng mga netizens lalo na’t laging ibinabandera ni Mark ang kanyang mga moments kasama ang mga anak ni Kris.

Dumagdag pa nga ang recent Instagram stories ni Kris ukol sa kanila ng bise gobernador ng Batangas kaya mas nainis ang madlang pipol.

Baka Bet Mo: Kris Aquino tinapos na ang komunikasyon sa pagitan nila ni Mark Leviste: People really do grow apart

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“@markleviste sana maiwasan ganito mga photos nagkakaroon ng iba opinion and kahulugan sa mga tao thou good intentions para sa’yo,” saad ng isang netizen sa post ni Mark.

Comment naman ng isa, “bigyan nyo po muna ng peace of mind si ms krls habang nagppgaling sya. kasi all she needs right now is to have a private life. pero kayo po panay post nyo sa socmed.”

Sey naman ng isa kay Mark, “i just saw Ms. @krisaquino’s IG stories. First thing you need to do is to delete this post NOW and fly to LA as soon as you can. Apologize and assure her you will never do something like this again. It’s VERY DISRECPECTFUL, it seems like you’re inviting her haters and bashers. Kahit mahal ka niyan, mawawalan talaga ng gana. ‘PRIVACY IS POWER, WHAT PEOPLE DON’T KNOW THEY CAN’T RUIN.’ One day, she’ll be the one to tell your love story. Be patient.”

Matatandaang nitong Biyernes, ibinahagi ni Kris ang huling mensahe niya para sa bise gobernador kung saan tinatapos na nito ang komunikasyon sa pagitan nilang dalawa.

Sey ni Kris, hindi raw kasi niya maramdaman ang pagbibigay galang sa nais niyang probadong buhay ngayon habang nagpapagaling sa kanyang sakit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kris ibinuking ang mga dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Mark: ‘Nararamdaman kong hindi siya handa sa responsibilidad ng seryosong relasyon’

Mark Leviste kay Kris Aquino: ‘Thank you My Love for loving, taking care of C2 like your own’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending