LJ Reyes ikinasal na sa non-showbiz partner na si Philip Evangelista, garden wedding sa US very intimate | Bandera

LJ Reyes ikinasal na sa non-showbiz partner na si Philip Evangelista, garden wedding sa US very intimate

Ervin Santiago |October 08,2023
facebook
share this

LJ Reyes ikinasal na sa non-showbiz partner na si Philip Evangelista, garden wedding sa US very intimate

Ervin Santiago - October 08, 2023 - 02:45 PM

LJ Reyes ikinasal na sa non-showbiz partner na si Philip Evangelista, garden wedding sa US very intimate

LJ Reyes at Philip Evangelista

IKINASAL na ang award-winning Kapuso actress na si LJ Reyes sa kanyang non-showbiz partner na si Philip Evangelista sa New York, USA.

Naganap ang intimate garden wedding nina LJ at Philip sa The Bevin House, New York City kahapon, October 7 (US Time).

Base sa mga nakita naming litrato sa social media na kuha sa mismong kasal, ay napakaganda ng aktres sa kanyang bonggang-bonggang white wedding gown.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Myles Decena (@mylesdecena)


Balitang bumiyahe pa patungong New York ang bridal team ni LJ para ayusan siya. Ang gumawa ng kanyang make-up ay si Mikka Marcaida habang ang hairstylist niya ay si Mark Baquiran.

Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang ipino-post ang bagong kasal sa kanilang social media accounts tungkol sa naganap na kasalan.

Pero ayon sa mga kumakalat na chika, tanging pamilya at malalapit na kamag-anak at kaibigan lamang ang imbitado sa wedding nina LJ at Philip.

Baka Bet Mo: Dyowa ni Bela Padilla super proud sa latest movie ng aktres; Mga eksena nina Philip, Jane, Tony lalong nag-iinit sa ‘Nag-aapoy Na Damdamin’

Ang mga hindi naman daw naka-attend nang personal na mga family members ay nanood lamang via live streaming.

Wala rin daw halos rumampa bilang bahagi ng entourage sa naganap na wedding.

Ang nakasama lamang na naglakad ay ang anak ni LJ na si Summer bilang flower girl, na sinundan ng panganay niyang si Aki, at ang anak na ni Phil sa una nitong nakarelasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, sa IG account naman ng digital creator na si Mark Baquiran makikita ang ilang litrato nina LJ at Philip na kuha naman sa reception, kabilang dito ang cutting of cake portion.

Last May, 2023 ay ibinandera ng ex-live in partner ni Paolo Contis sa kanyang Instagram at Facebook page ang ilang litrato na kuha sa ginawang proposal ni Philip sa isang beach resort.

Ang caption na inilagay ni LJ ay mula sa isang Bible verse, “‘For I know the plans I have for you,’ says the Lord. ‘They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope.’ — Jeremiah 29:11 NLT.”

Base sa post ng aktres ay obvious na obvious ang naramdamang kaligayahan ni LJ nang lumuhod na sa kanyang harapan ang dyowa habang isinusuot ang engagement ring sa kanyang finger.

Mark Leviste ibinandera ang larawan kasama sina Philip Salvador at Robin Padilla, netizens napataas ang kilay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

LJ Reyes ibinandera na ang prenup video, netizens kilig na kilig: ‘Iba talaga kapag right person ang kasama!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending