Dyowa ni Bela Padilla super proud sa latest movie ng aktres

Dyowa ni Bela Padilla super proud sa latest movie ng aktres; Mga eksena nina Philip, Jane, Tony lalong nag-iinit sa ‘Nag-aapoy Na Damdamin’

Reggee Bonoan |August 26,2023
facebook
share this

Dyowa ni Bela Padilla super proud sa latest movie ng aktres; Mga eksena nina Philip, Jane, Tony lalong nag-iinit sa ‘Nag-aapoy Na Damdamin’

Reggee Bonoan - August 26, 2023 - 08:16 AM

Dyowa ni Bela Padilla super proud sa latest movie ng aktres; Mga eksena nina Philip, Jane, Tony lalong nag-iinit sa 'Nag-aapoy Na Damdamin'

PHOTOS: Instagram/@nocir; Screengrab Facebook/ABS-CBN

BINATI ang aktres na si Bela Padilla ng kanyang Swiss boyfriend na si Norman Ben Bay dahil sa pelikulang “Wish You Were the One” na base sa nabasa naming reviews ay maganda at best movie ito ng tambalan nila ng aktor na si JC Santos.

Ang pelikula ay isinulat ni Enrico Santos at mula sa direksyon naman ni Derick Cabrido.

Ibinandera ni Norman ang picture ni Bela na nakatagilid at nakatingin sa labas ng bintana at nabanggit niyang matagal na siyang hindi nakapag-post at ng i-check namin ay noong Pebrero 22 pa ang huli.

Sey niya, “To taking it in, This one is for you my love @bela.”

Baka Bet Mo: Bela Padilla, JC Santos pang-best actress at best actor sa ‘Wish You Were The One’: ‘Ito na ang pinakamaganda nilang pelikula’

“I know, I haven’t posted in a long time and I’m always cautious. I want these posts to mean something, be a picture of who I am and the things I enjoy. Though I also don’t want to give away too much and make anyone around me or myself feel uneasy,” wika niya.

Lahad pa ng dyowa ni Bela, “Long story short, this is one of those rare moments where we just got to take it in. The sun finally showed shortly before I had to leave London again and there it was.”

“In the same way I want you to take in the success of  ‘Wish You Were the One’. The sun always breaks through; love you deserve every bit of it! I’m super proud of you and want the world to see it,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Norman Ben (@nocir)

Wala kaming nakitang sagot o komento ni Bela sa sweet notes na ito ng kanyang boyfriend o baka hindi pa ito nababasa ang aktres.

***

Naging mas kumplikado pa ang laban ni Philip Salazar (JC de Vera) sa mga Buencamino dahil tuluyan na siyang napaibig kay Claire (Jane Oineza) at nais niyang ilayo ito sa planong paghihiganti sa afternoon TV series na “Nag-Aapoy Na Damdamin.”

Higit ngang napapalapit ang damdamin nina Philip at Claire sa isa’t isa habang unti-unti namang bumabalik sa alaala ni Claire ang ilang pangyayari na hindi niya maunawaan. Dagdag pa sa iniisip niya ang tunggalian ng kanyang kasalukuyang asawa na si Philip at dating asawa na si Lucas Buencamino (Tony Labrusca) noong nasa katauhan pa siya ni Olivia.

Samantala, nakahanap ng bagong kakampi ang mga Buencamino sa asawa ng isang pasyente na sinasabing pinatay rin ng ama ni Philip na si Severino Salazar (Jeffrey Santos). Syempre, hindi ito palalampasin ni Lucas para gamitin laban sa kanyang kaaway.

Nangako rin si Lucas na kakalimutan na niya si Olivia pagkatapos magwala si Melinda (Ria Atayde) sa pagkadiskubre ng secret room kung saan itinago ni Lucas ang mga gamit na nagpapaalala sa kanya kay Olivia.

Magawa nga kayang kalimutan ni Lucas ang dating asawa? Mapigilan naman kaya ni Philip si Claire na harapin ang mga Buencamino na patuloy na nananakit kay Lucas?

Huwag palampasin ang maiinit na pangyayari sa “Nag-aapoy na Damdamin,” ang programang handog ng ABS-CBN at TV5 na mula sa direksyon nina FM Reyes at Benedict Mique sa ilalim ng JRB Creative Production. Napapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 3:45pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Faceboo, Twitter, Instagram at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tony Labrusca naloka sa pagsusuot ng ‘thong’ sa love scene nila ni Ria Atayde: ‘It felt like underwear being worn backwards!’

LJ Reyes ibinandera na ang prenup video, netizens kilig na kilig: ‘Iba talaga kapag right person ang kasama!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending