Aktres iwas-iskandalo kaya binura ang IG account, baka itigil ang suporta ng dyowang aktor Bandera

Aktres iwas-iskandalo kaya binura ang IG account, baka itigil ang suporta ng dyowang aktor

Reggee Bonoan |December 06,2021
share this

Aktres iwas-iskandalo kaya binura ang IG account, baka itigil ang suporta ng dyowang aktor

Reggee Bonoan December 06, 2021 - 08:24 AM

NAGTATAKA ang mga supporter ng isang aktres kung bakit tinanggal nito ang kanyang Instagram account kung saan naka-post lahat ng mga ganap niya sa buhay kasama ang pamilya.

Ayon sa aming source ay pinatanggal ang IG account ng aktres dahil may post siyang hindi dapat malaman ng publiko tungkol sa personal niyang buhay.  

Ayaw naman niyang burahin ang kanyang mga post dahil very significant ito sa buhay niya lalo na ang naging journey niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz hanggang sa ma-in love.

Pero wala siyang choice dahil utos ito ng kanyang management company at ng aktor na na-link sa kanya dahil malaking iskandalo ito kapag pumutok, though may mga nakakaalam na pero sarado ang mga bibig.

Malaking artista kasi ang involve sa isyung ito ng aktres kaya pinatahimik siya pati na ang pamilya. In fairness hindi naman daw nagpapabaya ang aktor sa aktres.

Balik-tanong namin sa aming source bakit may terminong hindi “nagpapabaya”, “E, kasi may anak sila,” diretsong sagot sa amin ng aming source.

Hindi kami nakapagsalita agad dahil hindi namin ini-expect na may ganu’ng nangyari sa buhay ng aktor na inakala namin ay perfect siya bilang ama at asawa.

Hindi namin gaanong kilala ang aktres pero ang sabi sa amin, nagsisimula pa lang sa showbiz career niya ang aktres ay ibinahay na siya at lahat ng gusto at naisin niya ay ibinibigay sa kanya.

Ang tarush ni aktres, hindi na niya kailangang mag-work pala dahil may monthly support na siya mula sa kanyang mystery guy.

Pero ang tanong hanggang kailan kaya tatagal ang relasyon ng dalawa at ang pagsuporta sa aktres ng aktor.

https://bandera.inquirer.net/294971/aktor-na-nasisisi-sa-hiwalayan-nila-ng-magandang-aktres-magsasalita-na-aaminin-kayang-si-girl-ang-unang-mangaliwahttps://bandera.inquirer.net/280572/sharon-nakiusap-sa-diyos-hindi-ko-na-kaya-tita-fanny-is-now-on-life-support

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending