Kiefer Ravena,Diana Mackey spotted sa Siargao, magdyowa ba?

Kiefer Ravena,Diana Mackey magkasama sa Siargao, magdyowa nga ba?

Therese Arceo - July 26, 2024 - 11:59 PM

Kiefer Ravena,Diana Mackey magkasama sa Siargao, magdyowa nga ba?

TRENDING ngayon ang Yokohama B-Corsairs guard na si Kiefer Ravena matapos itong mamataang kasama ang Kapamilya actress-beauty queen na si Diana Mackey habang nagbabakasyon sa Siargao.

Ngayong araw, July 26, agad na nag-viral ang TikTok video ng isang netizen kung saan makikitang magkasama ang dalawa sa Afam Bridge.

Makikita sa video na naglalakad si Diana habang nakasunod naman sa kanya si Kiefer.

Agad ngang pumukaw sa pansin ng netizens ang pagsasama ng dalawa at hindi nila mapigilan na magtanong kung may namamagitan na nga ba sa dalawa.

Baka Bet Mo: Kiefer Ravena pinalagan ang cheating allegations sa paghihiwalay nila ni Alyssa Valdez

Mapapanood pang kumaway si Kiefer sa naturang video pagkatapos ay sinundan ang dating “Pinoy Big Brother” housemate.

Sa ibang social media post naman ay uploaded ang larawan nilang dalawa kung saan magkadikit sila at nakalapat pa ang kamay ng basketbolista sa hita ni Diana.

May ilang mga netizens rin ma tila shookt dahil ang pagkakaalam ng mga ito ay isang flight attendant ang kanyang dyowa.

“May ugali talaga to si [Kiefer] Ravena na hindi magugustuhan ng isang babae kaya iniiwan. . Ang ganda ng ipinalit nya kay alyssa at halata nman na mabait kasi hindi yon nagsalita o nag post sa social media laban kay alyssa. . Edukada kasi. . Etong lalaking to edukado nman ewan ko kung saan banda,” saad ng isang netizen.

May nagsabi rin na mukhang malabo magkaroon ng relasyon ang dalawa dahil babae raw ang gusto ni Diana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nadadamay rin ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez sa isyu.

Matagal rin kasing naging magkarelasyon sina Alyssa at Kiefer ngunit noong 2022 ay tuluyan na silang naghiwalay.

Sa ngayon ay wala pa namang kumpirmasyon ang dalawa kung ano ang real score na namamagitan sa kanila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending