#Anyare: Alyssa Valdez, Kiefer Ravena hiwalay na!
LABIS na naaapektuhan ang mga KiefLy supporters matapos lumabas ang balitang nag-break na sina Alyssa Valdez at Kiefer Ravena.
Sa isang official statement ng volleyball superstar na inilabas ng kanyang agency na VMG Asia Management ay sinabi nitong hinihiling ng dalaga na bigyan sila ng privacy ukol sa kanilang desisyon na paghihiwalay at nilinaw rin nila na walang third party involved sa nangyari.
“A lot of speculation has been made. We appreciate the concern, but this decision does not involve any other party,” saad ng VMG Asia.
Nakiusap rin ang management ni Alyssa na sana ay tigilan na ang paggawa ng mga kwento at pagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa kanilang paghihiwalay.
Pagpapatuloy nito, “Let us avoid making up stories and spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa’s decision to keep things private.”
Nagpasalamat naman ito sa mga taong sumusuporta at umaasa na sana’y patuloy pa rin nilang suportahan ang dalaga sa kanyang journey.
“Thank you to all the fans who have loved and supported Alyssa through the years. We know you will continue to be there for her,” dagdag pa nito.
Nilinaw naman nila na ito na ang una at huling pagkakataon na magsasalita sila ukol sa naturang isyu.
“This will be the only time we will address this matter. We will not be entertaining any interviews of questions. Thank you for your understanding,” lahad ng management ni Alyssa.
Official Statement.#AlyssaValdez pic.twitter.com/Gc5UfVkp42
— VMG ASIA (@VMGTalent) May 25, 2022
Ni-retweet rin ni Vania Edralin ng VMG Asia ang naturang statement at sinabing, “It’s always sad to see people grow apart, but I am hopeful you’ll both find your way. Will always be here for you Ly. Love ü.”
Anim na taon ring tumagal ang relasyon nina Alyssa Valdez at Kiefer Ravena na parehas na namamayagpag sa mundo ng sports.
Matatandaang kabilang ang dalawa sa Philippine National Team na lumaban at nagrepresenta para sa bansa sa SEA Games 2021 na ginanap sa Vietnam.
Sa katunayan ay kinakailangan pa ngang umatras ni Alyssa sa kanyang pwesto bilang Top 2 sa “Pinoy Big Brother Kumunity” celebrity edition dahil makakaapekto ito sa kanyang schedule para sa SEA Games.
“Dito po sa labas ng inyong bahay mayroon pong mga commitment na kailangan din po akong gampanan para po sa ating bansa. Magpe-prepare naman po ang national team para po sa nalalapit na SEA Games. Sa Vietnam po ito gaganapin and hindi ko rin po masasabi sa kung kalian matatapos kaya naman po hindi ko po magagampanan at hindi po ako makakabalik sa loob ng inyong bahay,” pagpapaliwanag ni Alyssa.
Related Chika:
Alyssa Valdez hindi na itutuloy ang PBB journey, papalitan ni Sam Bernardo
Alyssa Valdez matapang na nagpahayag ng suporta kay VP Leni, handa nang harapin ang haters
Alyssa Valdez, Sofia Andres nag-positive rin sa COVID, muling nagbabala sa publiko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.