Kiefer Ravena, Diana Mackey magkaka-baby na, girl or boy?
PROUD na ibinandera ng celebrity basketball player na si Kiefer Ravena ang bagong milestone sa buhay nila ng fiancee na si Diana Mackey.
Sa kanyang Instagram post nitong Martes, March 18, ay ibinahagi ng basketbolista na buntis na ang dating “Pinoy Big Brother” housemate.
“MARCHing together in this beautiful journey with @dianacmackey You are Amazing and You are destined to be a Super Mommy,” saad ni Kiefer sa kanyang post.
Kalakip nito ay ang larawan nila na magkayakap at hawak-hawak ang sonogram ng ultrasound ni Diana at isang pair ng baskeball shoes.
Baka Bet Mo: Kiefer Ravena, Diana Mackey engaged na
View this post on Instagram
Dagdag pa ni Kiefer, “We can’t wait to see you Litol One With your Guidance, Lord #SneakerBaby #TheRavenas.”
Tila ipinapahiwatig na ng larawan na isang baby boy ang magiging panganay ng dalawa ngunit hindi pa naman nila ito kinukumpirma.
Samantala, bumuhos naman ang mga congratulatory messages para sa soon-to-be parents na sina Kiefer at Diana.
“Wow congrats Manong and Diana – team Ravena,” saad ng isang netien.
Comment naman ng isa, “Loveyou both @dianacmackey @kieferravena15 yey finally!”
“Ayun na!!! Happy for you and see both of you soon!!” sey naman ng isa.
Matatandaang noong October 2024 nang ibandera nina Kiefer at Diana ang kanilang engagement.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.