Kiefer Ravena pinalagan ang cheating allegations sa paghihiwalay nila ni Alyssa Valdez Bandera

Kiefer Ravena pinalagan ang cheating allegations sa paghihiwalay nila ni Alyssa Valdez

Therese Arceo |August 06,2022
share this

Kiefer Ravena pinalagan ang cheating allegations sa paghihiwalay nila ni Alyssa Valdez

Therese Arceo August 06, 2022 - 08:27 PM

Kiefer Ravena pinalagan ang cheating allegations sa paghihiwalay nila ni Alyssa Valdez
NAGSALITA na ang basketball player na si Kiefer Ravena ukol sa mga ibinabatong alegasyon sa kanya na may kinalaman sa paghihiwalay nila ng longtime girlfriend niyang si Alyssa Valdez.

Sa kanyang Instagram story nitong Biyernes, Agosto 5 ay binasag na niya ang katahimikan ukol sa isyung ibinabato laban sa kanya gaya ng may bago na itong dine-date.

“These past few days have been dirty and ugly. It’s time to put a halt to it. Alyssa released a statement in May regarding our separation last January. We both agreed to move on peacefully and we respect each other’s decisions,” saad ni Kiefer.

Matatandaang noong May 26 ay naglabas ng statement ang VMG Asia Management, ang nagha-handle kay Alyssa, na kinukumpirma ang paghihiwalay ng dalawa matapos ang ilang taong relasyon at iginiit ma mutual ang naging desisyon ng dalawa at walang third party involved.

Ngunit mukhang ayaw pa ring tantanan ng netizens sina Kiefer at Alyssa kaya sa kabila ng inilabas na statement ng volleyball superstar ay marami pa rin ang curious kung bakit nga ba nagtapos ang kanilang pagsasama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiefer Ravena (@kieferravena15)

At maging ang mga kaibigan at pamilya ng basketbolista ay nadadamay na sa isyung matagal na dapat natapos.

“However, family, friends, acquaintances, and a lot of innocent names have been dragged into this issue and their reputations stained because of unfounded assumptions and malicious accusations,” pagpapatuloy ni Kiefer.

Kamakailan ay iniuugnay ang pangalan ng basketbolista sa isang flight attendant na nagngangalang “Kholeen Ortiz” dahil nag-viral ang larawan nila sa social media habang magkatabing nakaupo sa isang pagtitipon at sinasabing ito raw ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

“Rumors that I am dating anyone now are complete false and hurtful, especially to those who have been unwittingly dragged into this issue,” paglilinaw pa ni Kiefer.

Aniya, maaring may mga nagawa siyang mali noon ngunit natuto na raw siya rito.

“I’ve made mistakes in the past but I’ve learned from those mistakes. But these still do not give anybody the right to bash others, sey ni Kiefer

Hirit pa niya, “Let’s be kind to one another.”

Taong 2016 nang maging in a relationship sina Alyssa at Kiefer at nagsama ng mahigit limang taon.

Related Chika:
#Anyare: Alyssa Valdez, Kiefer Ravena hiwalay na!

Alyssa Valdez, Kiefer Ravena spotted sa isang kasal, may chance kayang magbalikan?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending