Alyssa Valdez, Kiefer Ravena spotted sa isang kasal, may chance kayang magbalikan? | Bandera

Alyssa Valdez, Kiefer Ravena spotted sa isang kasal, may chance kayang magbalikan?

Therese Arceo |June 26,2022
facebook
share this

Alyssa Valdez, Kiefer Ravena spotted sa isang kasal, may chance kayang magbalikan?

Therese Arceo - June 26, 2022 - 08:30 PM

Alyssa Valdez, Kiefer Ravena spotted sa isang kasal, may chance kayang magbalikan?
MARAMI sa mga netizens ang labis na natuwa matapos kumalat sa social media ang mga larawan nina Alyssa Valdez at Kiefer Ravena na kuha mula sa isang kasal.

Sa mga larawan ay makikitang may sweetness pa rin sa pagitan ng dalawa at hindi pa rin nawawala ang kanilang chemistry kahit sa kanilang simpleng pagkakatabi.

Talaga namang hindi maitatanggi na nakakakilig ang mga kumakalat na larawan nina Alyssa at Kiefer lalo na ang karawan kung saan inaalalayan ng binata ang dalaga habang paakyat ito sa hagdan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alyssa Valdez (@alyssa_valdez2)

Kaya naman punung-puno ang pag-asa ng mga netizens na may chance pang magkaroon ng “comeback” ang dalawa.

“Feeling ko, magkakabalikan pa yan,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “love is sweeter the second time around. Balikan na please.”

Sa kabilang dako, may mga netizens naman na tila tanggap nang hiwalay na ang dalawa at nananatili na lamang na mabuting magkaibigan.

“Diba pwedeng magsama Yung mag Ex??? Good Friends naman Ata sila kahit hiwalay na sila,” sey ng isang netizen.

Hirit pa ng isa, “Good friends kahit hiwalay na .. sa mabuting paraan sila nag hiwalay .. hindi nag away o ano pa man.”

Matatandaang kinumpirma ng talent management ni Alyssa ang isyung kumakalat ukol sa break-up ng dalawa at sinabing walang third party na involed sa kabilang desisyon.

“A lot of speculation has been made. We appreciate the concern, but this decision does not involve any other party,” saad ng VMG Asia.

Nakiusap rin noon ang management ni Alyssa na sana ay tigilan na ang paggawa ng mga kwento at pagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa kanilang paghihiwalay.

“Let us avoid making up stories and spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa’s decision to keep things private.

“Thank you to all the fans who have loved and supported Alyssa through the years. We know you will continue to be there for her,” dagdag pa nito.

Related Chika:
#Anyare: Alyssa Valdez, Kiefer Ravena hiwalay na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alyssa Valdez hindi na itutuloy ang PBB journey, papalitan ni Sam Bernardo

Alyssa Valdez nakatagpo ng mga tunay na kaibigan sa ‘PBB’ house; may ‘hamon’ kay Big Brother bago sumabak sa SEA Games

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending