Yassi Pressman aminadong nag-uusap pa rin sila ng ex-fiancé

Yassi Pressman aminadong nag-uusap pa rin sila ng ex-fiancé, nasa ‘getting to know stage’ na with Luigi Villafuerte

Pauline del Rosario |August 26,2023
facebook
share this

Yassi Pressman aminadong nag-uusap pa rin sila ng ex-fiancé, nasa ‘getting to know stage’ na with Luigi Villafuerte

Pauline del Rosario - August 26, 2023 - 08:52 AM

Yassi Pressman aminadong nag-uusap pa rin sila ng ex-fiancé, nasa ‘getting to know stage’ na with Luigi Villafuerte

PHOTO: Instagram/@yassipressman

NABIGYAN na ng linaw ang kumakalat na chika patungkol sa namumuong pag-iibigan ng aktres na si Yassi Pressman at Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.

Ito ay dahil inamin na ng aktres na kasalukuyan silang nasa “getting to know each other more” stage.

Sa isang exclusive interview na ipinalabas sa “24 Oras” noong August 24, naikuwento pa nga ni Yassi na halos isang dekada na silang magkakilala ng gobernador.

“Me and Luigi have known each other for a very long time. Parang 10 years na kaming magkakilala,” sey niya sa panayam.

Dagdag pa niya, “So now, we’re just spending more time together and getting to know each other more.”

Baka Bet Mo: ‘Holding legs’ photo nina Yassi Pressman at Luigi Villafuerte viral na: ‘Akala ko sa kambiyo nakahawak si Gov!?’

Bukod diyan ay may pakiusap si Yassi regarding naman sa recent breakup nila ng her ex-fiancé at businessman na si Jon Semira.

Sabi ng aktres, nais nilang panatilihing pribado ang mga bagay na tungkol sa dati nilang relasyon kahit maayos naman ang naging paghihiwalay nila.

Sambit niya, “Bilang tao, meron pa rin pong mga bagay na we wanted to keep private.”

“Pero OK lang—me and the people involved, lahat kami maayos at nag-uusap pa rin kami hanggang ngayon,” aniya pa.

Magugunita noong August 16, kinumpirma ni Jon na nag-break na sila ni Yassi sa pamamagitan ng inilabas na official statement sa kanyang Instagram account.

Kasabay rin niyan ay pinabulaanan nng negosyante ang isyung may ibang taong involved sa kanilang paghihiwalay.

Unang umugong ang balitang hiwalay na sila ni Yassi dahil sa cryptic post ng aktres ukol sa kanyang pagiging “single” at “independent woman.”

Hindi naman nagtagal nang may biglang kumalat na video ng aktres kasama si Ilocos Norte Representative Sandro Marcos na makikitang sweet na nagkukulitan sa isang event.

Dinenay naman agad ‘yan ni Yassi at nilinaw na magkaibigan lang sila ng presidential son.

Hindi naman natigil diyan ang “romantic rumors” sa aktres dahil iniugnay naman siya kay Luigi.

‘Yan ay matapos bumandera ang “kissing photo” ng dalawa na kuha sa 74th Foundation Day ng Bombon sa Camarines Sur noong August 13. 

Makikita sa naturang litrato na hinalikan ng gobernador si Yassi sa pisngi at diyan na nagsimula ang mga hinala na may “something” na ang dalawa.

Related Chika:

Yassi Pressman ‘hinalikan’ ni Gov. Luigi Villafuerte, may bago na nga bang dyowa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Madlang pipol nagdiriwang sa pagkapanalo ni Beatrice Luigi Gomez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending