Yassi Pressman ‘hinalikan’ ni Gov. Luigi Villafuerte, may bago na nga bang dyowa?
MATAPOS maging usap-usapan kung may “something” nga ba sa pagitan nila ni Ilocos Rep. Sandro Marcos, nali-link naman ngayon si Yassi Pressman kay Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte.
Matatandaang naging laman ng balita ang actress-dancer matapos mag-viral ang video kung saan naispatan siyang sweet na sweet na nakikipagkulitan sa panganay na anak ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ang naturang video ng ka-sweetan nina Yassi at Sandro ay uploaded sa TikTok noong July 24 na kuha mula sa intimate after-party.
Ngunit ilang araw matapos mag-viral sa social media ang video ng kanilang “closeness” ay nauugnay naman si Yassi sa isa pang politiko.
Isang video ang nagte-trending ngayon sa social media kung saan makikitang hinalikan ng gobernador ng Camarines Norte ang dalaga sa pisngi.
Si Yassi ang nag-host ng 74th Foundation Event ng Bombon, Camarines Sur noong Linggo, August 13.
Mapapanood naman sa video na nagbibiruan ang dalawa patungkol sa “kiss” habang tuwang-tuwa naman ang mga nasa crowd.
Baka Bet Mo: May konek nga ba si Sandro Marcos sa paghihiwalay nina Yassi Pressman at Jon Semira?
View this post on Instagram
“Ako na lang ha [ang ki-kiss],” sabi ni Yassi.
Ngunit sey ng crowd, ang gobernador na lang raw kaya ito na ang humalik sa pisngi ng dalaga.
“Palakpakan po natin, Yassi Pressman. Ang espesyal na tao sa puso ni Gov. Luigi. Bagay?” nakangiting sabi ng gobernador.
May isang netizen ang nag-upload rin ng mga larawan na kuha sa naganap na event.
“Gov. Luigi Villafuerte together with the apple of his eye Ms. Yassi Pressman @Bombon, Cam.Sur Celebrating 74th Foundation of Bombon,” saad nito sa caption.
Matatandaang nagpakita ng pagsuporta ang aktres sa kandidatura ni Gov. Luigi sa nagdaang 2022 elections.
Samantala, wala pa namang kumpirmasyon si Yassi kung totoong hiwalay na sila ng dyowang si Jon Semira matapos ang kanyang cryptic post ukol sa pagiging “free” at “strong independent woman”.
Related Chika:
Dyowa ni Yassi Pressman iniwan ang buhay sa Canada para sa kanya: ‘It feels like home…no pressure, no stress, very, very light’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.