Sandro Marcos umamin na sa real score nila ni Alexa Miro | Bandera

Sandro Marcos umamin na sa real score nila ni Alexa Miro

Therese Arceo |October 07,2022
facebook
share this

Sandro Marcos umamin na sa real score nila ni Alexa Miro

Therese Arceo - October 07, 2022 - 04:05 PM

Sandro Marcos umamin na sa real score nila ni Alexa Miro

Sandro Marcos at Alexa Miro | Photos from: Singapore Grand Prix website

NAGSALITA na si Ilocos Norte representative at anak ni Pangulong Bongbong na si Sandro Marcos ukol sa tunay nilang relasyon ng aktres na si Alexa Miro.

Sa isang TikTok video na may username na @ferdinand_alexander7 ay nakikita ang binata na nagpapaliwanag ukol sa kanila ng aktres.

“Kaibigan… magkaibigan talaga kami ever since,” pahayag ni Sandro.

Bukod rito ay ipinaliwanag rin niya ang istorya ukol sa mga kumakalat na larawan nilang magkasama.

“I was in big group of people, nung kami po ay umiikot may lumapit sa amin and may kinukuha kaming I think something to drink or whatever. May lumapit sa amin and they said na picturan ko kayo pero you have to cheers and look happy. So ‘yung gumaganon kami [cheers] staged ‘yun,” pagbabahagi ni Sandro.

Matatandaang spotted silang magkasama sa nagdaang event na F1 Grand Prix race na ginanap sa Singapore noong Setyembre 30 hanggang Oktubre 2.

 

@ferdinand_alexander.7 Friends lang daw talaga mga bhie! ☺️❤️ #fyp #foryou #sandromarcos7 #sandromarcos ♬ Ikaw Lang (AD BEAT version) – AD BEAT

 

Sey pa ni Sandro, “Pero ang hindi ko alam ay lalabas yan sa F1 website, ‘yan ang hindi ko alam. Akala ko parang amateur photographer lang na umikot na was taking pictures na tinanong sa akin, ‘oh can you please do this’.”

Kaya naman daw nang lumabas raw ang mga larawan ay marami raw mga espekulasyon ang naglabasan.

Lahad ni Sandro, “Eh nung lumabas eh ang daming nag-a-assume. Number one, that I was with my dad… number two, na si Alexa, girlfriend ko which is not, she’s a friend of mine and kasama yan sa barkada ko.”

Matagal nang umuugong ang balita na may “something” na namamagitan sa kanila ni Alexa Miro.

Nagsimula ito nang amin ni Sandro kay Lani Mercado na may kasintahan siyang taga-Cavite.

Lumabas rin sa ilang pahayagan na mukhang si Alexa ang babaeng ito.

Mas tumindi pa ang bulung-bulungan ukol sa dalawa nang makita ang dalagang um-attend sa oath-taking ni Sandro sa Malacañang noong June 30.

Bagamat nauna nang pinabulaanan ni Alexa and mga kumakalat na chika ay nananatili pa ring buhay ang chismis lalo na’t nakita silang magkasamang muli sa naturang event.

Kaya ngayon ay nilinaw na niyang talaga super close lang sila at talagang magkaibigan lamang.

Related Chika:
Alexa Miro present sa oath taking ng rumored boyfriend na si Sandro Marcos

Alexa Miro inaming close kay Sandro Marcos: Actually almost 5 years na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sandro Marcos may dyowang taga-showbiz, sino nga kaya?

Pokwang ipinagtanggol si Alexa Miro sa bashers: Matalino at mabait na bata

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending