Pokwang ipinagtanggol si Alexa Miro sa bashers: Matalino at mabait na bata | Bandera

Pokwang ipinagtanggol si Alexa Miro sa bashers: Matalino at mabait na bata

Therese Arceo |July 07,2022
facebook
share this

Pokwang ipinagtanggol si Alexa Miro sa bashers: Matalino at mabait na bata

Therese Arceo - July 07, 2022 - 03:39 PM

Pokwang ipinagtanggol si Alexa Miro sa bashers: Matalino at mabait na bata

WALANG pagdadalawang-isip na ipinagtanggol ng Kapuso star na si Pokwang ang aktres na si Alexa Miro laban sa mga bashers nito sa social media.

Mainit kasi ngayon ang dalaga sa netizens matapos itong maiugnay sa Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos.

Matatandaang inamin ng anak ni Pangulong Bongbong Marcos kay Congresswoman Lani Mercado-Revilla habang nasa inagurasyon sila ni Vice President Sara Duterte na mayroon nang nagpapatibok ng kanyang puso. Sa kabila ng kanyang pag-amin ay hindi naman nito pinangalanan kung sino nga ba ang kanyang girlfriend.

Ngunit matapos ang pag-amin ng binata ay ang pagkalat ng balita ang sexy actress na si Alexa nga ang nagpaptibok sa puso ng kongresista.

Dito na nga nagsimulang ma-curious ang madlang pipol hinggil sa pagkaka-link ng dalaga sa binatang Marcos kaya todo stalk rin ang mga ito sa kanyang social media accounts.

Maging sa post ng isang entertainment site na tungkol sa dalaga ay may isang netizen ang nang-nega sa kanya.

Una muna ay may pumuri kay Alexa at sinabihan itong magandang bata at dito nag-reply ang netizen at sinabing “sana may utak” raw ang aktres.

To the rescue naman si Pokwang at ipinagtanggol ang aktres laban sa negatibong komento ng netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alexa Miro (My only account) (@alexamiro.m)

“Hello po mawalang galang na po sa inyo po pero kilala ko po ang batang yan. [N]akatrabaho ko po ng halos isang taon tatlong beses sa isang linggo,” saad ni Mamang.

Dagdag pa niya, “At masasabi ko matalino at mabait na bata po si [A]lexa sana maging happy nalang po tayo sa salitang PAG IBIG. God bless ingat lagi.”

Magpasahanggang ngayon ay nananatiling tikom pa rin ang bibig ng dalawa ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon at kung may katotohanan nga ba ang kumakalat na chika ukol sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, present naman si Alexa sa oath taking ng kanyang rumored boyfriend na ginanap sa Malacañang noong June 30 na pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos.

Related Chika:
Sandro Marcos may dyowang taga-showbiz, sino nga kaya?

Alexa Miro present sa oath taking ng rumored boyfriend na si Sandro Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending