Dyowa ni Yassi Pressman iniwan ang buhay sa Canada para sa kanya: ‘It feels like home…no pressure, no stress, very, very light’
“HABA ng hair!” Yan ang biro at panunukso sa actress-dancer at TV host na si Yassi Pressman matapos magkuwento tungkol sa love story nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.
Sa unang pagkakataon, naging bukas si Yassi sa pagbabahagi ng ilang detalye about her lovelife at sa dyowa niyang negosyante na si Jon Semira.
Sa 28th birthday celebration ng aktres sa Kapamilya morning talk show na “Magandang Buhay” kahapon, naikuwento niya na nagkakilala sila ni Jon a few years ago sa pamamagitan ng kanilang common friends.
At ito na nga, nagdesisyon daw ang guy na iwan ang buhay nito sa Canada para dito na manirahan sa Pilipinas — para raw sa kanya. O, di ba naman! Mamatey na lang tayong lahat sa inggit! Charet! Ha-hahahaha!
View this post on Instagram
“Taga-Canada po kasi siya. Canadian and he used to live here daw po in the Philippines.
“He then went back to Canada and then nag-meet po kami roon. Tapos now he’s moved back for me. Nagwo-work lang po siya in Singapore, tapos here, pabalik-balik,” simulang chika ni Yassi.
Paglalarawan pa niya sa kanilang relasyon ni Jon, “I think it’s pretty secure. Something I guess I was needing after a lot of the things that have happened in my life.
“And finally parang it feels like home na no pressure, no stress, very, very light,” dugtong pa ng aktres.
Matatandaang ibinandera ni Yassi ang relasyon nila ni Jon noong July, 2022 nang batiin niya ito ng “happy birthday” sa kanyang Instagram post.
Samantala, natanong din si Yassi tungkol sa kapatid niyang si Issa na talaga namang kinuyog ng bashers nang umamin sila ni James Reid sa kanilang relationship.
View this post on Instagram
Ayon sa dalaga, sana raw ay mas maging careful ang bawat tao sa ipino-post nila sa socmed at tigilan na ang pangnenega sa ibang tao.
“I think it’s always important that we always choose our words and we are always kind online because hindi mo alam ang epekto nun sa isang tao after few yeas.
“Kung sa ‘yo binabato mo lang sa ibang tao, hindi mo alam (ang epekto sa kanila). Let’s just be a bit more careful,” paalala ni Yassi.
Sa tanong kung paano nila mas pinatatatag ang relasyon nila ni Issa as sisters, “Marami ring honestly times na hindi kami nagkakasundo and I think that’s pretty normal.
“One of the things that I really, really appreciated nung birthday ko was parang na-acknowledge niya ang pagkukulang and communication.
“At ako rin in-acknowledge ko rin sometimes ‘yung if I’m too much or if I’m too little or if I’m not present. Ang importante with us ay napag-uusapan po namin kahit yung mahirap pag-usapan,” paliwanag ng aktres.
Jon Lucas umamin sa asawa: Ikaw lang ang pinakamaganda sa paningin ko, kaso may kaagaw ka na
Jelai Andres binatikos ng netizens sa pagkamatay ng lola; Jon to the rescue
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.