Jelai Andres binatikos ng netizens sa pagkamatay ng lola; Jon to the rescue | Bandera

Jelai Andres binatikos ng netizens sa pagkamatay ng lola; Jon to the rescue

Therese Arceo |August 31,2021
facebook
share this

Jelai Andres binatikos ng netizens sa pagkamatay ng lola; Jon to the rescue

Therese Arceo - August 31, 2021 - 06:22 PM

MATAPANG na sinagot ng actress-vlogger na si Jelai Andres matapos siyang umani ng batikos mula sa mga die-hard fans ng asawang si Jon Gutierrez na karma daw sa aktres kung bakit namatay ang kaniyang lola.

Bukod pa rito, ginawa ring katatawanan ng mga fans sa kanilang group chat ang pagluluksa ng pamilya Andres.

“Sa mga nagsasabing karma sakin pagkamatay ng lola ko at nagdidiwang sila kasi nagluluksa kaming pamilya at nasasaktan ako ng sobra. Yes karma nga!

“I think Good karma. Kasi bnigyan sya ni Lord ng mahabang buhay 99years old na sya. At naranasan nia ang napakaganda at masayang masayang buhay at punong puno ng pagmamahal. Hindi namin siya nabigyan ng sama ng loob. Minsan lang sumama loob niya nung sinasaktan ako ng ibang tao,” pahayag ng aktres sa kaniyang Facebook page.

Dagdag pa nito, walang sakit ang kaniyang lola at humina na lang ang tibok ng puso dala na rin ng katandaan.

Masuwerte rin daw sila dahil kahit sa huling sandali ng kaniyang lola ay natutupad nila ang mga habilin nito at patuloy na nabibigyan nila ang pagmamahal sa pamamagitan ng maganda at maayos na paghahatid hanggang sa huli nitong hantungan.

“Hindi po dapat cinecelebrate at pinapalakpakan ang pag luluksa ng ibang tao. ‪Im also human I get hurt too just like all of you.

“Sana wag niyo maranasan magluksa at mawalan ng mahal sa buhay tapos pinagtatawanan kayo at cinecelebrate pa ng ibang tao ang pain at pagluluksa niyo ng pamilya niyo. Hurting a grieving person is totally not acceptable,” pagpapatuloy ni Jelai.

Nagpasalamat naman ang aktres sa mga taong nakikiramay sa kanilang pamilya.

“Rest In Paradise Nanay. Pasensya na po at wala ako nung hinanap mo ako. Ingatan mo po silang lahat Nanay,” pakikiramay ni Jon kay Jelai at sa pamilya nito.

Ipinagtanggol naman ni Jon si Jelai sa mga supporters nito na aliw na aliw sa kabila ng pagluluksa ng aktres.

“Namatayan yung tao at pamilya natuwa pa kayo? Ang lala nyo na. Ilang beses ko na sinabi sa inyo na tigilan nyo kakaganyan nyo dahil ako nanaman ang nadadamay at pangalan ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wag kayong mag mamakaawa pag gumawa ng legal na way yan para pag bayaran nyo mga kagaguhan nyo,” saad nito sa kaniyang Twitter account.

Bagamat maraming problema ang kasalukuyang pinagdaraanan, nananatiling matatag si Jelai lalo na’t ongoing pa rin ang annulment case na inihain nito laban kay Jon Gutierrez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending