May konek nga ba si Sandro Marcos sa paghihiwalay nina Yassi Pressman at Jon Semira? | Bandera

May konek nga ba si Sandro Marcos sa paghihiwalay nina Yassi Pressman at Jon Semira?

Reggee Bonoan |August 14,2023
facebook
share this

May konek nga ba si Sandro Marcos sa paghihiwalay nina Yassi Pressman at Jon Semira?

Reggee Bonoan - August 14, 2023 - 03:21 PM

MAY kinalaman kaya ang viral photos nina Congressman Sandro Marcos at ng aktres na si Yassi Pressman sa break-up nila ng boyfriend nitong negosyanteng si Jon Semira?

Ang mga nasabing larawan ay kuha sa isang event ng netizen na si @_kitkatsz at pinost niya ito sa kanyang TikTok account.

Makikita sa dalawang larawang nakaakbay si Yassi kay Ginoong Sandro – ang isa ay nagtatawanan ang dalawa at ang kanang kamay ng aktres ay humawak pa sa leeg ng batang kongresista na parang payakap at yumakap din sa kanya ang huli.

Base sa pagkakaintindi namin ay isa si Yassi sa guest sa nasabing event kung saan naroon din si Ginoong Sandro at tila matagal na silang magkakilala base rin sa ipinakita nilang closeness.

Dahil kung hindi sila matagal nang magkakilala ay maiilang ang isang babaeng tulad ni Yassi na umakbay sa nasabing politiko.

Baka Bet Mo: Donny Pangilinan ikinumpara kay Sandro Marcos, netizens nag-react: Hindi po siya public servant

Anyway, nag-viral ang nasabing video noong Hulyo at two days ago lang nag-post si Yassi ng, “Not triple, not double but SINGLE” at hindi na rin pina-follow ni Jon ang aktres sa IG account nito.

Samantala, nang i-check namin ang TikTok video nina Cong. Sandro at Yassi sa account ni @_kitkatsz ay may nakalagay nang video unavailable.

Pero na-screen grab agad ito ng ilang netizens kaya mabilis ngang kumalat sa social media ang dalawang larawan ng dalawang celebrities.

Anyway, may mga nabasa kaming komento kung kumusta naman ang relasyon nina Cong. Sandro at Alexa Miro na balitang matagal na ring magkarelasyon.

Bukas ang BANDERA sa panig nina Ginoong Sandro at Yassi.

Related Chika:

Sandro Marcos umamin na sa real score nila ni Alexa Miro

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alexa Miro inaming close kay Sandro Marcos: Actually almost 5 years na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending