'Holding legs' photo nina Yassi Pressman at Luigi Villafuerte viral na: 'Akala ko sa kambiyo nakahawak si Gov!?' | Bandera

‘Holding legs’ photo nina Yassi Pressman at Luigi Villafuerte viral na: ‘Akala ko sa kambiyo nakahawak si Gov!?’

Ervin Santiago |August 22,2023
facebook
share this

‘Holding legs’ photo nina Yassi Pressman at Luigi Villafuerte viral na: ‘Akala ko sa kambiyo nakahawak si Gov!?’

Ervin Santiago - August 22, 2023 - 03:57 PM

'Holding legs' photo nina Yassi Pressman at Luigi Villafuerte viral na: 'Akala ko sa kambiyo nakahawak si Gov!?'

Yassi Pressman at Luigi Villafuerte

VIRAL na ngayon sa social media ang mga bagong litrato together nina Yassi Pressman at Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.

In fairness, mukhang unti-unti na ngang inilalantad ng dalawa ang kanilang espesyal na relasyon sa madlang pipol matapos kumalat ang balitang may namamagitan nang “something” sa kanila.

Ito’y dahil nga sa paglantad ng kanilang “kissing photo” na kuha sa 74th Foundation Day ng Bombon, Camarines Sur, noong August 13, 2023. Dito, nakitang hinalikan ng gobernador si Yassi sa pisngi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kasunod nito ang pag-amin ng fiancé ni Yassi na si Jon Semira tungkol sa kanilang paghihiwalay. Pero hanggang ngayon ay wala pang official statement ang actress-TV host tungkol sa kanilang breakup.

Bukod dito, hindi pa rin nagpapaliwanag si Yassi tungkol sa kumalat na 10-minute engagement proposal video nila sa social media na kuha raw noon pang 2022.

Nito namang nagdaang August 8, bumandera sa social media ang mga pictures nina Yassi at Gov. Luigi habang magkasama sa isang ATV adventure.

Baka Bet Mo: Chavit ipinagamit sa ‘Probinsyano’ ni Coco ang mga lupain sa Ilocos nang libre; siniguro ang pagbabalik sa Pinas ni Lee Seung-gi

Unang na-post ito sa Facebook account ng isang netizen na may caption na,  “SALA NA NAMAN NAKAPTAN NI GOV (laughing emoji),” na ang ibig sabihin ay  “Mali na naman nahawakan ni gov.”

Makikita kasi sa litrato na nakahawak ang kanang kamay ni Luigi sa kaliwang hita ni Yassi. Kapansin-pansin din ang twinning bracelet ng dalawa.

Narito ang ilang comments na nabasa namin sa nasabing FB post.

“Witwiw Swerte man talaga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kala ko s kambiyo nkahawak si gov. legs pala ang kinambiyo.”

“Umiral nanaman ang aking kamay gumalaw…Nice Gov.”

“Galawang hokage! Gov Luigi Villafuerte  But congrats in advance saindong duwa kin magkadagusan.”

“Kanang kamay sa pagitan ng hita habang isa’y nagmamaneho.”

“Kayo naman pati kamay ni Gov pinapansin.”

“Inggit nlng tau mga bes na mga tambay ang mga manliligaw.”

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang diretsahang pag-amin sina Yassi at Gov. Luigi tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Magdyowa na nga ba o sweet as friends lang?

Yassi Pressman ‘hinalikan’ ni Gov. Luigi Villafuerte, may bago na nga bang dyowa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yassi Pressman ibinandera ang relasyon kay Jon Semira: So happy with where life has brought us

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending