Yassi Pressman nananatiling single sa kabila ng paghihiwalay nila ni Jon Semira, focus muna sa sarili | Bandera

Yassi Pressman nananatiling single sa kabila ng paghihiwalay nila ni Jon Semira, focus muna sa sarili

Therese Arceo |August 16,2023
facebook
share this

Yassi Pressman nananatiling single sa kabila ng paghihiwalay nila ni Jon Semira, focus muna sa sarili

Therese Arceo - August 16, 2023 - 05:44 PM

Yassi Pressman nananatiling single sa kabila ng paghihiwalay nila ni Jon Semira, focus muna sa sarili

NAGBIGAY linaw ang aktres na si Yassi Pressman ukol sa kanilang hiwalayan ng Canadian-Filipino businessman na si Jon Semira.

Nais mang panatilihing pribado ng aktres ang kanilang break up ay naging matunog naman ito sa publiko dahil na rin sa mapanuring netizens at pati na rin sa mga videos na kumalat kung saan may mga politikong na-link sa kanya.

Matatandaang may nag-viral na video sa TikTok kung saan makikita sina Yassi at Sandro Marcos na sweet na nagkukulitan sa isang event. Mayroon pang video kung saan hinalikan naman siya sa pisngi ni Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte.

Pinabulaanan naman ng dalaga na may “something” sa pagitan nila ng panganay na anak ni Pangulong Bongbong Marcos na noon pa man ay sinabi na niyang isa lang sa malalapit niyang kaibigan.

At sa inilabas nitong official statement ngayong araw, ibinahagi ni Yassi na very much single siya at kasaluluyang ini-enjoy ang kanyang freedom at sense of independence matapos ang pinagdaanang break up.

Aniya, sa ngayon ay abala siya sa pagpo-focus sa kanyang personal growth sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagong experiences, pagkilala ng mga bagong tao at pagsubok ng mga bagay na hindi pa niya nagagawa noon.

Baka Bet Mo: Yassi Pressman bigla raw umatras sa engagement nila ni Jon Semira; tinawanan ang tsismis sa kanila ni Sandro Marcos

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Life is a journey of self-discovery and growth, and I’m embracing this new chapter with excitement and optimism,” saad ni Yassi.

Dagdag pa niya, “I believe in the power of healing and self-care, and I’m using this time to explore who I am as an individual.”

Bukod pa rito, sinusubukan rin ni Yassi na maging mad open sa pagbabahagi mg kanyang “healing journey” sa pamamagotan ng pagpo-post sa social media.

Hiling naman ni Yassi na sana ay irespeto ng publiko ang kanilang desisyon at igalang ang kanilang privacy habang tinatahak nila ang kanilang “healing phase” mula sa paghihiwalay nila ng dating dyowa.

Nagpapasalamat rin ang aktres sa suportang natatanggap niya mula sa mga fans at mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Yassi Pressman ‘hinalikan’ ni Gov. Luigi Villafuerte, may bago na nga bang dyowa?

May konek nga ba si Sandro Marcos sa paghihiwalay nina Yassi Pressman at Jon Semira?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending