Yassi Pressman bigla raw umatras sa engagement nila ni Jon Semira; tinawanan ang tsismis sa kanila ni Sandro Marcos | Bandera

Yassi Pressman bigla raw umatras sa engagement nila ni Jon Semira; tinawanan ang tsismis sa kanila ni Sandro Marcos

Ervin Santiago |August 16,2023
facebook
share this

Yassi Pressman bigla raw umatras sa engagement nila ni Jon Semira; tinawanan ang tsismis sa kanila ni Sandro Marcos

Ervin Santiago - August 16, 2023 - 11:04 AM

Yassi Pressman bigla raw umatras sa engagement nila ni Jon Semira; tinawanan ang tsismis sa kanila ni Sandro Marcos

Yassi Pressman at Jon Semira (Photo from Notion in Motion)

MARIING pinabulaanan ng aktres at TV host na si Yassi Pressman na may namamagitang “something” sa pagitan nila ng Presidential son na si Sandro Marcos.

Tawa lang nang tawa si Yassi nang mabalitaan ang kumakalat na chika about her and Ilocos Norte Representative Sandro Marcos kasabay ng pagdedenay na may relasyon sila ng binata.

Aniya, nabigyan lang ng malisya ang viral video nila ni Sandro na kuha sa isang event kamakailan kung saan sweet na sweet sila together.

“Yung nakikita ko po yung kay Sandro, hindi po ‘yon totoo at all. Tawang-tawa nga po kami.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nalagyan lang po ng malisya dahil naslow-mo, nalagyan ng music,” ang paglilinaw ng aktres sa report ng “24 Oras” kagabi.

Kasunod nito, inamin din ni Yassi na totoong break na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jon Semira.

“Matagal na po talaga kami naghiwalay and I’m very, very grateful to Jon. He’s a great person.

Baka Bet Mo: Sandro Marcos may dyowang taga-showbiz, sino nga kaya?

“Sana people just respect our privacy and siya rin po he’s a private person,” ang pakiusap ng dalaga sa publiko.

Balik-GMA na rin si Yassi matapos mapiling leading lady ni Ruru Madrid sa upcoming GMA Public Affairs action-drama series na “Black Rider.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, sa report naman ng Inquirer.net, engaged na raw sina Yassi at Jon last March bago naganap ang kanilang breakup.

Ito’y nasaksihan umano ng kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan, base na rin sa isang video mula sa Notion in Motion, isang wedding videography company.

May makikitang board sa background ng dating magdyowa na may nakasulat na, “will you marry me?” at sa ilalim nito ay may dalawang box na may switch kung saan nakalagay ang “yes” at “maybe later”.

Sa harap ni Jon na may hawak na engagement ring, pinindot ng lumuluhang si Yassi ang “yes” box sabay yakap at halik sa binata.

At kung anuman ang nangyari pagkatapos nito na nagresulta sa kanilang paghihiwalay ay tanging sina Yassi at Jon lamang ang nakakaalam.

Sa gitna naman ng isyung ito, nali-link din si Yassi kay Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte matapos lumabas ang kanilang mga litrato na kuha sa isang public event kung saan hinalikan pa ni Luigi ang aktres sa pisngi.

Wala pang pahayag sina Yassi at Luigi tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Yassi Pressman hiwalay na raw sa dyowang negosyante, cryptic post usap-usapan sa socmed: ‘Not triple, not double, but SINGLE’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May konek nga ba si Sandro Marcos sa paghihiwalay nina Yassi Pressman at Jon Semira?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending