ALAMIN: Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa market at mga kakaibang pangregalo sa Valentine’s Day
PEBRERO nanaman at malapit na ang Valentines’ Day!
May ideya na ba kayo kung ano ang mga pwedeng iregalo sa darating na February 14?
Karamihan sa atin, bulaklak ang madalas ibigay para mas sweet sa ating mahal sa buhay.
Dahil diyan, sinadya ng BANDERA na makapunta sa Dangwa Market sa Maynila para tingnan ang mga presyo ng mga bulaklak doon.
Alam naman natin na taon-taon ay dinadasa talaga ng mga tao ang lugar dahil mas mura raw rito bilang bagsakan talaga ng mga bulaklak ito.
Sabi ng mga tindera na nakapanayam namin ay bukod sa mga flower bouquet, ang pinaka mabenta ay ang tulips, paper rose, gerbera at carnation.
Mas mainam na rin daw ang maagap bumili habang mababa pa ang mga presyo nito, dahil pag malapit na raw ang Araw ng mga Puso, siguradong doble ang itataas na mga presyo nito.
Narito ang price list ng mga bulaklak as of February 4:
- Tulips – P90/stem
- Paper Rose – P750/bundle
- China Rose – P1,500/bundle
- Carnation – P540/bundle
- Gerbera – P270/bundle
- Sunflower – P300/bundle
- Stargazer – P150/stem
- 3pcs. Flowers with 1pc. Sunflower – P450
- Half dozen buoquet – P500
- One dozen buoquet – P1,000
Narito naman ang estimated prices kapag malapit na ang February 14:
- Tulips – P150/stem
- Paper Rose – P1,300/bundle
- China Rose – P2,500/bundle
- Carnation – P1,400/bundle
- Gerbera – P350/bundle
- Sunflower – P1,500/bundle
- Stargazer – P250/stem
- 3pcs. Flowers with 1pc. Sunflower – P1,000
- Half dozen bouquet – P1,000
- One dozen bouquet – P1,800
Kung hindi niyo naman trip ang fresh flowers, uso ding ibigay ang mga dried flowers.
Hindi lang ito pangmatagalan dahil mas makakamura pa kayo dito.
Narito ang listahan ng mga presyo:
- Gypsy – P300/bundle
- Hydra – P300/bundle
- Fossilized flowers – P70/stem
- Wood flowers – P50/stem to P150/stem
- Dried flowers bouquet – P500 to P2,000 (depende sa size)
Hindi lang puro bulaklak ang tinitinda sa Dangwa, dahil sa aming paglilibot ay nakakita kami ng mga espesyal at kakaiba na mga pwede pang iregalo.
Heto ang listahan:
- Bubu Balloons – P500 to P1,300 (depende sa design)
- Bear with artificial flowers – P1,000
- Teddy Bear – P350 to P1,000 (depende sa size)
Related Chika:
Lolit Solis nakatanggap ng bulaklak mula kay Pangulong Bongbong Marcos: Feeling ko magaling na ako!
Estudyanteng nagtapos sa University of Antique nag-viral dahil sa kanyang ‘resi-bouquet’
Ano nga ba ang mga pwede at hindi pwedeng gawin sa bagong P1,000 polymer banknote?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.