Ano nga ba ang mga pwede at hindi pwedeng gawin sa bagong P1,000 polymer banknote? | Bandera

Ano nga ba ang mga pwede at hindi pwedeng gawin sa bagong P1,000 polymer banknote?

Therese Arceo - July 13, 2022 - 09:05 PM

polymer banknote

P1,000 POLYMER BANKNOTE | IMAGE FROM BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

HANGGANG ngayon ay mainit pa rin na pinag-uusapan ang bagong P1,000 polymer banknote na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Nagsimula ito nang mag-viral ang post ng isang netizen ukol sa hindi raw pagtanggap ng isang mall bilang pambayad ang kanyang bagong P1,000 polymer banknote dahil nakatupi ito.

Naglabas naman ng pahayag ang naturang mall na nabanggit sa ngayong deleted post ng netizen at sinisigurong patuloy nilang tatanggap mga bagong polymer banknote kahit na may tupi ito.

Ngunit kahit na ganon ay samu’t sari pa rin ang naging reaksyon ng mga tao patungkol sa isyu ng bagong pera at bumuhos ang katanungan at kyuyorsidad ng mga ito patungkol sa bagong P1,000 bill.

May ilan na nagsasabing masyadong maselan ang pagme-maintain ng ganitong klaseng pera lalo na’t nasanay na ang mga Pilipino sa materyal ng pera sa bansa kung saan madali itong isuksok sa wallet, bag, o bulsa dahil natutupi ito.

May ilan rin na nagsabing dapat raw ay ihinto na ang pag-imprenta ng ganitong klaseng pera dahil marami pa sa mga Pilipino ang hindi handa at hindi pa maalam sa tamang paghawak at paggamit ng bagong pera.

Unang inilabas ang bagong P1,000 polymer banknote noong April 2022. Ito ay yari sa plastic at ayon sa BSP ay mas matibay kaysa sa kasalukuyang papernote ng bansa.

Kaya naman naglabas na ang BSP ng guidelines kung ano nga ba ang mga dapat at hindi dapat gawin sa bagong P1,000 polymer banknote.

TAMANG PAGGAMIT NG POLYMER P1,000 BANKNOTE

  1. Panatilihing flat ang pera.

Ilagay ang polymer banknotes sa mahabang wallet o lalagyan kung saan kasya ito para maiwasang matupi at malukot.

2. Panatilihing malinis ang pera.

Maaring linisin ang maruming P1,000 polymer banknotes sa pamamagitan ng basang tela. Linisin ang ibabaw ng pera gamit ang alcohol-based sanitizers pero dapat ay punasan ito kaagad ng tuyong tela.

3. Gamitin ang P1,000 polymer bank notes sa pagbili at pagbabayad ng bills.
Huwag itong itago o i-hoard. Bawal rin itong ibenta sa mas mataas na halaga.

 

 

Narito naman ang mga bagay na hindi dapat gawin at dapat iwasan kung mayroon kang hawak na P1,000 polymer bill.

1. Huwag punitin, sulatan, o markahan.
2. Iwasan ang sobrang pagtupi o paglukot dahil maaari itong mag-iwan ng permanenteng marka o bakat sa pera.
3. Huwag punitin, putulin, o lagyan ng butas.
4. Iwasan ang paggamit ng stapler o rubber bands para pagsama-samahin ang pera. Sa halip ay gumamit na lamang ng paper bands.
5. Huwag sisirain ang clear windows, metallic features, at iba pang security features ng pera.
6. Huwag paplantsahin.
7. Huwag hahayaang ma-expose sa sobrang init na temperatura at iwasang ilapit sa apoy.
8. Huwag hayaang mabasa ng matatapang na kemikal gaya ng muriatic acid o bleach.

 

 

Ayon sa Presidential Decree No. 247, labag sa batas ang anumang paraan ng pagsira sa mga perang inilalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas mapa-papel o barya.

Ang sinumang mapapatunayang lumabag sa Presidential Decree No. 247 ay haharap sa parusang pagkakakulong na hindi lalampas ng limang taon at may multang P20,000.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Other Stories:
2 empleyado ng bangko na pauwi na mula sa trabaho biglang ipinag-shopping ni Vice Ganda: #SanaAll!

Cristy may buwelta sa mga bashers: Hindi ko kailangan ng pera para magparetoke

Billy ibinuking si Coleen: Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kuripot ang asawa ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending