Bunso ni Nikki Gil na-diagnose ng Kawasaki Disease: ‘Hardest thing as parents’

PHOTO: Instagram/@nikkigil
MATINDING pagsubok ang hinaharap ngayon ni Nikki Gil dahil sa pinagdadaanang sakit ng kanyang three-year-old daughter na si Maddie.
Sa isang Instagram post, inamin ni Nikki na na-diagnose ang kanyang anak ng Kawasaki Disease, isang bihirang pediatric illness na apektado ang blood vessels at madalas makita sa mga batang wala pang limang taon.
Ayon sa aktres, ito ang isa sa pinakamasakit nilang pinagdaanan bilang magulang.
“Seeing our little girl in pain, hooked to IVs, enduring tests and meds, was the hardest thing we’ve ever gone through as parents,” sey niya sa caption, kalakip ang ilang pictures nila ng kanyang baby girl habang nasa ospital.
Baka Bet Mo: Nikki Gil inaasar si Billy, rumampa sa airport nang walang bra
Hindi raw nila alam kung paano haharapin ang sitwasyon, pero sa gitna ng takot ay naranasan daw nila ang himala mula sa Diyos.
“God showed up—in the peace He gave, the people He sent, and the healing He allowed. We give Him all the glory for carrying us through and for Maddie’s recovery,” lahad niya.
Inamin din ni Nikki na malaking bagay ang tulong na natanggap nila mula sa tinatawag niyang “village” –mga kaibigan, kapamilya, at mga taong nagdasal at nagpakita ng malasakit sa kanila.
“Every message, prayer, meal, visit, and word of encouragement meant the world to us [holding back tears emoji],” wika niya.
Masaya ring ibinalita ni Nikki na nakauwi na sila sa kanilang tahanan kasama ang “brave girl” na si Maddie.
Patuloy pa rin ang kanyang recovery, pero punung-puno raw ng pasasalamat ang kanilang mga puso.
“We’re finally home with our brave girl, and while recovery continues, our hearts are filled with gratitude. God is so, so, so good [heart emoji],” aniya sa post.
View this post on Instagram
Ayon sa na-search namin sa internet, ang Kawasaki Disease ay isang rare condition na kadalasang umaatake sa mga batang may edad 5 pababa.
Nagdudulot ito ng pamamaga sa blood vessels at kung hindi maagapan, puwedeng magkaroon ng komplikasyon sa puso.
Karaniwang sintomas nito ang mataas na lagnat na tumatagal ng higit limang araw, pamumula ng mata, pantal, at pamamaga ng labi, dila, at kamay o paa.
Samantala, bukod kay Maddie, may anak ding lalaki si Nikki sa non-showbiz husband niyang si BJ Albert.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.