Nikki Gil ibinandera ang simpleng handaan sa kaarawan, nakatanggap ng ‘kwelang’ regalo kay Luis Manzano | Bandera

Nikki Gil ibinandera ang simpleng handaan sa kaarawan, nakatanggap ng ‘kwelang’ regalo kay Luis Manzano

Pauline del Rosario |August 26,2023
facebook
share this

Nikki Gil ibinandera ang simpleng handaan sa kaarawan, nakatanggap ng ‘kwelang’ regalo kay Luis Manzano

Pauline del Rosario - August 26, 2023 - 12:22 PM

Nikki Gil ibinandera ang simpleng handaan sa kaarawan, nakatanggap ng ‘kwelang’ regalo kay Luis Manzano

PHOTO: Instagram/@nikkigil

SIMPLE pero puno ng pagmamahal at saya ang naging selebrasyon sa ika-36th birthday ng celebrity mom na si Nikki Gil.

Sa Instagram, ibinandera ng dating VJ ang ilang litrato ng kanyang simpleng handaan sa bahay.

Kasama lamang niya ang kanyang mister na si BJ Albert at dalawang anak na sina Finn at Madeline Elle.

Mababasa rin sa caption na pinasalamatan ni Nikki ang lahat ng mga bumati sa kanyang special day.

“Spent most of yesterday nursing a headache (friendly reminder that I am getting old lol) [emojis], and had a quiet dinner at home with my 3,” wika niya.

Aniya pa, “Thank you for all the birthday greetings! [happy face emoji]

Baka Bet Mo: Nikki Gil napa-throwback sa 7th wedding anniversary, ibinandera ang ‘last minute’ gift sa mister

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

May ilang celebrities ang napa-comment diyan kabilang na sina Luis Manzano, Angelica Panganiban, Sitti Navarro, Camille Prats, at marami pang iba.

Bukod sa mga pagbati, nakatanggap din si Nikki ng kwelang regalo mula kay Luis.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinahagi muna ng dating VJ ang screenshot ng naging usapan nila ng aktor.

Ang bilin pa nga sa kanya ni Luis, “Sending your gift! [smiling face emoji] please store in a slightly chilled room [smiling face emoji].”

Tila kinabahan na mismo ang celebrity mom dahil ang reply niya, “‘Di ko sure kung mag-eexpect ako ng serious o prepare ko na ‘yung self ko hahahahahaha.”

Kalakip pa nga ng convo ang caption na umaasa ang dating VJ na cake, chocolates, wine o kaya flower arrangement ang ibibigay.

PHOTO: Instagram Stories/@nikkigil

Pero ang dumating sa kanya, isang bag na puno ng instant noodles at chocolate bars!

Kinuhaan pa ni Nikki ng litrato ang regalo ni Luis at sinabi rin niya na sure daw siyang walang kinalaman ang misis nito na si Jessy Mendiola.

Ni-reshare naman ni Luis ang naging post ni Nikki sa kanyang IG story at sinabi pang, “Sharing you mga blessings ko sa buhay because I labyu!!”

PHOTO: Instagram Stories/@nikkigil

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nikki Valdez sinigurong hindi pa tapos ang laban kahit ‘talunan’ sa eleksyon: Papunta pa lang tayo sa exciting part…

Bianca, Nikki, Ogie nanindigang hindi lang pera-pera ang politika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending