Bianca, Nikki, Ogie nanindigang hindi lang pera-pera ang politika | Bandera

Bianca, Nikki, Ogie nanindigang hindi lang pera-pera ang politika

Ervin Santiago - March 09, 2022 - 12:51 PM

Nikki Valdez, Bianca Gonzalez at Ogie Diaz

MAS lalo pang umiinit ngayon ang  mundo ng politika at showbiz habang papalapit na ang pinakaaabangang May 9 presidential elections.

Nang dahil sa politika, hati-hati rin ngayon ang mga celebrities dahil may kanya-kanya silang sinusuportahang kandidato ngunit kapansin-pansin na karamihan sa Kapamilya stars ay si Presidential candidate Leni Robredo ang ipinaglalaban.

Nitong nagdaang araw ay agaw-eksena na naman ang mga supporters ni VP Leni dahil sa chikang puro hakot daw ang dumadalo sa kanyang campaign rally.

Hanggang ngayon ay trending sa social media, lalo na sa posts ng mga artista, ang #BoyingSinungaling nang magpatutsada si Cavite Rep. Boying Remulla na naghakot ang kampo ni VP Leni para sa rally nito sa General Trias.

Dumepensa naman ang ilang celebrities sa akusasyong ito kasabay ng pagsasabi na wala rin silang tinatanggap na bayad kapalit ng kanilang suporta.

“Bakit hirap ang iba na maniwala na sasadyain ng libu-libong tao ang rally para suportahan ang tapat, mahusay, masipag at makataong lider nang walang kapalit na pera?” ang reaksyon ng TV host na si Bianca Gonzalez sa kanyang Twitter account.

“Paninindigan at pag-asa ang tawag dun, at di kailangan ng bayad,” dagdag pa niya.

View this post on Instagram

A post shared by Bianca Gonzalez Intal (@iamsuperbianca)


Para naman sa Kapamilya actress na si Nikki Valdez, ang mga volunteer mismo ang naglalabas ng sarili nilang pera at gumagawa ng paraan para makatulong sa kampanya ni Robredo.

“Ganoon kasi talaga kapag prinsipyo at puso ang puhunan. Alam niyo po yung salitang priceless? Parang hindi,” ang matapang pang sabi ni Nikki.

Pinagtawanan naman ng komedyanteng si Ogie Diaz ang bintang sa mga dumalo sa rally sa kanyang tweet, “Nakakatawa yung nambibintang ka ng red-tagging, hakot at bayaran, nakita mismo ng mga mata mo, dahil natrapik ka, eh di dapat vinideo mo para may ebidensiya ka. Kaya pala merong #BoyingSinungaling na trending.”

Sa isang Facebook post naman pinuri ng dating special adviser ng National Task Force on COVID-19 na si Dr. Tony Leachon ang paninindigan ng mga dumalo sa grand rally ni Robredo sa Cavite.

“Paninidigan ang tawag doon at hindi P500,” aniya.

Ayon naman sa isang doctor at Twitter user na si Doc Deane, nagbigay ang “Cavite Doctors for Leni” ng P20,000 para makapagdagdag nag dalawang ambulansya at emergency medical technicians para sa event noong March 4.

“Ako nag-ayos ng lahat ng ito, at ako ang main doctor for the emergency response for the 47k people who were there. 500 Pesos? ’Wag ako,” sabi nito sa kanyang post.

Trending ang #BoyingSinungaling sa Twitter mula Linggo hanggang nitong Lunes ng gabi.

Nagsilabasan ang mga personalidad na “Kakampink” sa social media para depensahan ang kanilang kandidato na nangunguna na sa paramihan ng tao na dumadalo sa mga pagtitipon.

https://bandera.inquirer.net/283828/hiling-ni-nikki-valdez-mabibiyayaan-pa-ng-1-anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/298181/angeline-ilang-beses-nang-inalok-na-sumabak-sa-politika-why-not-pero
https://bandera.inquirer.net/292413/bianca-dumepensa-sa-bashers-ng-pbb-its-not-an-artista-search

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending