Nikki Valdez sinigurong hindi pa tapos ang laban kahit ‘talunan’ sa eleksyon: Papunta pa lang tayo sa exciting part…
TULAD nina Angel Locsin, Bianca Gonzalez, Robi Domingo at iba pang celebrity Kakampinks, napakaganda rin ng binitiwang mensahe ni Nikki Valdez para sa naging resulta ng 2022 elections.
Sa kabila ng pagkatalo nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa katatapos lamang na eleksyon, napakapositibo pa rin ng naging pahayag ng mga artistang sumuporta sa kanilang kandidatura.
Ayon kay Nikki, hindi man nagwagi sina VP Leni at Kiko sa naganap na botohan, hindi rin ito ang katapusan ng kanilang laban para sa bayan.
Nag-share ang Kapamilya actress ng litrato nila ni VP Leni sa IG kalakip ang mensahe para sa lahat ng nakasama niya sa ilang linggong pangangampanya.
“WHEN PEOPLE RISE AND WORK TOGETHER, THE NATION BLOOMS,” ang panimulang pahayag ni Nikki.
“Yan ang napakagandang quote na nakasulat sa shirt na suot ko from 1SAMBAYAN and it couldn’t be more apt and true for @bise_leni and Sen. @kiko.pangilinan ‘s back-to-back thanksgiving celebrations for their volunteers, respective teams and supporters.
“Noong napagdesisyunan kong tumindig para kay Leni-Kiko, ang tanging puhunan ko ay pag-asa. Ni hindi ko man inisip na marami pang mahihikayat na sumama. Nagulat na lang ako, ang dami dami na natin,” paglalahad pa niya.
View this post on Instagram
Dugtong pa ng aktres, “At katulad nga ng sinabi ni VP Leni tonight, di man umayon sa atin ang resulta ng eleksiyon ay hindi ito nangangahulugang tapos na ang lahat.
“Papunta palang tayo sa exciting part. Sabi rin ni Kuya Kiko, ‘let us transform our grief into revolutionary courage.’ Simula palang ito ng napakaraming magandang mangyayari para sa lahat,
“At sa pag announce ni VP Leni ng pagsisimula ng Angat Buhay NGO on July 1, ngayon palang nagpapasalamat na kami sa LAHAT ng nag express na gusto nilang makipagtulungan at makilahok sa magandang nasimulan,” sabi pa niya.
Sa huli ng kanyang post, ipinagdiinin ni Nikki na, “Endings are beginnings of beautiful things ika nga. So we take in all the emotions tonight then stand up and brace for bigger and brighter days ahead.”
https://bandera.inquirer.net/283828/hiling-ni-nikki-valdez-mabibiyayaan-pa-ng-1-anak
https://bandera.inquirer.net/282009/nikki-valdez-mister-nahawa-na-rin-covid-is-real-but-so-is-our-god-who-is-our-divine-healer
https://bandera.inquirer.net/307573/bianca-nikki-ogie-nanindigang-hindi-lang-pera-pera-ang-politika
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.