Nikki Gil nanganak na sa 2nd baby nila ni BJ Albert: Thank you Lord for our sweet Maddie! Bandera

Nikki Gil nanganak na sa 2nd baby nila ni BJ Albert: Thank you Lord for our sweet Maddie!

Ervin Santiago |October 11,2021
share this

Nikki Gil nanganak na sa 2nd baby nila ni BJ Albert: Thank you Lord for our sweet Maddie!

Ervin Santiago - October 11, 2021 - 03:35 PM

NANGANAK na ang dating aktres at TV host na si Nikki Gil sa second baby nila ng asawang si BJ Albert.

Ibinandera ni Nikki sa kanyang Instagram account kahapon na isinilang na niya ang kanilang baby girl sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City.

Pinangalanan nila ni BJ ang ikalawa nilang anak na Baby Madeline Elle o “Maddie.” Ipinost na agad ng singer-actress sa Instagram ang first photo nila ni Baby Maddie.

Aniya sa caption, “Our little miss Madeline Elle arrived a few days ago (emojis) and we’re completely smitten! Thank you Lord for our sweet Maddie (emojis).”

Bumuhos naman ang pagbati sa social media para kina Nikki at BJ mula sa mga netizens at celebrity friends sa pagsilang ni Baby Maddie.

Kabilang sa mga nag-congratulate sa bagong panganak na celebrity mom sina Marian Rivera, Isabel Oli-Prats, Anne Curtis, Shaina Magdayao, Cheska Garcia, Andi Manzano, Kaye Abad, Jackie Lou Blanco, Erik Santos, Iya Villana at marami pang iba.

Unang in-announce ni Nikki na buntis siya sa kanilang second baby noong April, 2021.

Kasunod nito, binanggit din ng celebrity mommy sa isa niyang Instagram post na magiging kuya na ang kanyang 3-year-old son na si Finn. Aniya sa caption, “Ready, Kuya Finn?”

Mahigit limang taon nang hindi aktibo si Nikki sa showbiz. Mula nang magpakasal sila ni BJ at manganak sa first child nila noong 2017.

Bukod sa pag-aalaga sa kanyang pamilya naging busy din si Nikki sa  second college degree. Taong 2016 nang mag-enroll siya sa The Philippine School of Interior Design or PSID para kumuha ng Interior Design.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending