Ilang kalsada sa Maynila sarado sa Dec. 21 dahil sa MMFF grand parade
ABISO sa mga motorista na dumadaan o balak dumaan sa Maynila!
Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na may mga isasara silang kalsada bukas, December 21.
Ito ay upang magbigay-daan sa “Parade of Stars” ng Metro Manila Film Festival (MMFF) kung saan sakay sa makukulay na floats ang ilang malalaki at bigating celebrities!
Alam naman natin na isa ito sa mga inaabangan ng marami taon-taon bago ang official opening ng nasabing film fest.
At for this year nga, ang Maynila ang napiling host city kaya diyan gaganapin ang parada ng sampung official entries ng MMFF.
Baka Bet Mo: Nadine Lustre tutol sa ipapagawang tulay sa Siargao: Secret Beach should be preserved
Kabilang na riyan ang mga pelikulang “The Kingdom,” “Topakk,” “Espantaho,” “And The Breadwinner Is…,” “Uninvited,” “Hold Me Close,” “Green Bones,” “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital,” “Isang Himala,” at “My Future You.”
Tiniyak ni MMDA and MMFF Concurrent Chairman Don Artes na ang Parade of Stars this year ay magiging unforgettable hindi lang sa filmmakers, kundi pati na rin sa mga manonood.
“We are expecting large crowds to flock the parade route to see their favorite stars so we have laid down measures and deployment plans to ensure everyone’s safety,” sey niya matapos ang meeting kasama ang mga miyembro ng MMFF Executive Committee.
Ang parada ay magsisimula ng 3 p.m. na magmumula sa Kartilya ng Katipunan at ang dadaanan nito ay ang mga sumusunod: Natividad Lopez Street ⁃ Right at P. Burgos ⁃ Straight towards Jones Bridge ⁃ Quintin Paredes ⁃ Reina Regente Street, ⁃ Pass thru Recto Avenue ⁃ Abad Santos Avenue ⁃ Tayuman Street ⁃ Lacson Avenue – España Boulevard ⁃ Nicanor Reyes St. (Morayta) ⁃ C.M. Recto Avenue ⁃ Legarda Street ⁃ P. Casal Street ⁃ yala Boulevard ⁃ Taft Avenue ⁃ T.M. Kalaw Street ⁃ Roxas Boulevard P. Burgos Avenue ⁃ Take Jones Bridge ⁃ Magallanes Drive towards Manila Central Post Office.
Pagdating sa Manila Central Post Office, magkaroon ng “meet and greet” sa mga artista at kasunod niyan ay may music festival pa.
Inaasahan na matatapos ang parada sa loob ng dalawa’t kalahating oras na may layong 12 kilometers.
Bilang parte ng traffic plan management, ipatutupad sa mga nasabing ruta ang temporary lane closures at stop-and-go scheme simula 12 noon hanggang 8 p.m.
Dahil diyan, pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan na muna sa ilang alternatibong ruta.
Dagdag ng ahensya, “MacArthur Bridge Southbound will be closed to traffic: All Vehicles must take Dasmariñas Street then turn left at Juan Luna Street, turn left at Plaza Cervantes, turn right at Quintin Paredes, go straight to Jones Bridge, turn right at Magallanes Drive to their destination.”
Sinabi rin ni Artes na magde-deploy sila ng tatlong libong personnel mula sa MMDA, Manila City government, Office of the Civil Defense-National Capital Region, Philippine National Police at iba pang concerned agencies para mas maging maayos ang crowd control.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.