MMDA papayagan ang provincial buses sa Edsa simula Dec. 20 to Jan. 5
GOOD news para sa mga biyahero ngayong Kapaskuhan!
Ang mga provincial buses ay pansamantalang papayagang dumaan sa Edsa mula December 20 hanggang January 5 para mas mapabilis ang biyahe at mas maraming pasahero ang maserbisyuhan ngayong holiday rush.
Ayon kay MMDA Chair Don Artes, ang mga provincial buses ay maaaring dumaan sa Edsa mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga sa December 20 hanggang December 25.
Habang sa December 26 to January 2 naman ay buong araw silang papayagang bumiyahe sa Edsa–24/7!
Higit 2,100 buses ang makikinabang sa holiday traffic scheme na ito, sabi ni Artes.
Baka Bet Mo: Bus driver nagtampo sa mga makukulit na pasahero: ‘Sige ako na lang ang bababa, kayo na magpatakbo n’yan!’
Sa kasalukuyan, mayroong 45 provincial bus terminals sa Edsa—27 sa northbound at 18 naman sa southbound.
Ang mga bus na manggagaling sa hilaga ng NCR ay magtatapos ng biyahe sa Cubao, Quezon City, habang ang mga mula sa timog ay magtutungo sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o Pasay City.
Nabanggit din ng MMDA na umabot na sa 464,000 ang dami ng sasakyang bumabaybay sa Edsa—mas mataas pa sa pre-pandemic peak na 405,000 at lampas na sa kapasidad ng kalsada na 300,000 vehicles kada araw.
Sa sobrang dami ng sasakyan, ang average speed sa Edsa ay bumagsak na sa 18 km/h mula sa dating 21 km/h at inaasahang babagal pa sa 15 km/h habang papalapit ang Pasko.
“Albeit there is an expected increase in vehicular volume this Christmas season, we want our bus operators to serve more passengers for their convenience and faster travel to their respective destinations,” sey ni Artes.
Samantala, ang Edsa bus carousel trips ay hindi maaapektuhan ng pagbabagong ito, kaya tuloy pa rin ang smooth na biyahe para sa mga commuters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.