Bus driver nagtampo sa mga makukulit na pasahero: 'Sige ako na lang ang bababa, kayo na magpatakbo n'yan!' | Bandera

Bus driver nagtampo sa mga makukulit na pasahero: ‘Sige ako na lang ang bababa, kayo na magpatakbo n’yan!’

Ervin Santiago |January 18,2023
facebook
share this

Bus driver nagtampo sa mga makukulit na pasahero: ‘Sige ako na lang ang bababa, kayo na magpatakbo n’yan!’

Ervin Santiago - January 18, 2023 - 01:36 PM

Bus driver nagtampo sa mga makukulit na pasahero: 'Sige ako na lang ang bababa, kayo na magpatakbo n'yan!

Ang viral bus driver sa social media

TAWA kami nang tawa sa nag-viral na bus driver sa social media na hindi na nakayanan ang kakulitan at katigasan ng ulo ng mga pasahero.

Nagtampo nga kasi si Manong driver sa mga commuter na nagsampahan pa rin sa minamanehong pampasaherong bus kahit na punumpuno na ang sasakyan.

Viral na ngayon ang mga litratong ibinahagi ng Facebook user na si Bea Bernal kung saan makikita ngang nasa labas na ang nag-emote na tsuper.

Kuwento ng netizen, bigla na lang bumaba at tumayo sa gilid ng bus ang driver matapos siyang dedmahin ng mga pasaherong pilit pa ring nagsampahan kahit siksikan na sa loob.

Hirit na reklamo ni Manong, “Sa tingin niyo saan ako papasok para ipag-drive kayo?

Sey ng nag-upload ng mga litrato sa FB, habang naghihintay siya ng masasakyan, napansin nga niya ang pagbaba ng tsuper sa bus na nag-dialogue pa raw ng, “Sige ayaw niyong bumaba? Ako na lang bababa, kayo na lang magpatakbo niyan.”

“Bakit ganito sa Pinas puno pati upuan ko, sinampahan pa. Bahala kayo ma-late lahat,” sabi pa raw ni Manong.

‘’Wag ka na magalit sa amin, ‘wag kana mag-walk out.”

“Manong, pasok kana!”

“Dami kong tawa kay manong driver bei.. pati upuan nya inupuan.. ”

“Ayarn tuloy. Nagtampo si kuya.tigas tigas ng ulo kasi. Siksikan na sisiksik pa. Hahaha!”

“Good vibes si Kuya driver.”

“Dapat maging grateful dahil may work dba ate Donnalyn.”

“Punong Puno kulang nalang sa bubong.”

“Sardinas yern hahahahaha.”

“My space pa Kasi sa upuan ni manong driver”

“Tapos nag tataka siguro yung mga tao sa likod bakit di pa umaalis.”

Glaiza ibinuking ang drama ng ‘Running Man PH’ cast sa last taping day: Yung mga Korean nagtataka, ‘Bakit sila umiiyak?’

Pinoy actor sa ‘Squid Game’ biktima ng diskriminasyon sa Korea; binato ng repolyo sa loob ng bus

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alex, Mikee namasada ng tricycle sa Lipa, namigay ng pera sa mga pasahero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending