Kris Bernal gustong-gustong inaabangan ang ‘baby kicks’, nasa honeymoon period na ng pagbubuntis | Bandera

Kris Bernal gustong-gustong inaabangan ang ‘baby kicks’, nasa honeymoon period na ng pagbubuntis

Pauline del Rosario |April 22,2023
facebook
share this

Kris Bernal gustong-gustong inaabangan ang ‘baby kicks’, nasa honeymoon period na ng pagbubuntis

Pauline del Rosario - April 22, 2023 - 10:18 AM

Kris Bernal gustong-gustong inaabangan ang ‘baby kicks’, nasa honeymoon period na ng pagbubuntis

PHOTO: Instagram/@krisbernal

MAY bagong update ang Kapuso actress na si Kris Bernal patungkol sa kanyang pregnancy journey.

Sa ngayon ay nasa second trimester na siya ng pagbubuntis at humupa na raw ang mga sintomas na nararamdaman kagaya ng “morning sickness,” sakit ng ulo, at kawalan ng ganang kumain.

“To those asking, yes, I’m now in the second trimester of my pregnancy and so far, I’m loving it,” sey ng aktres sa ibinanderang Instagram Stories.

Patuloy pa niya, “They say it’s a honeymoon period and I agree with that because most of my symptoms during the first trimester have already subsided.”

“My energy level is back, my appetite is back and I already look pregnant. I can no longer hide the bump,” aniya.

Nilinaw din ni Kris na dahil lang daw sa anggulo kaya nagmumuka siyang payat at sexy sa mga picture, pero sa totoong buhay raw ay malaki na talaga ang kanyang tiyan at mukha nang buntis.

Baka Bet Mo: Kris Bernal ibinandera ang ‘first workout’ mula nang mabuntis: Nakakapanibago, parang hindi ako ‘to!

Sambit niya, “To those saying ang liit ko, ang payat ko, at sexy pa rin, nope, I guess it’s just an angle pero malaki na talaga ang tiyan ko. Sabi nila, para lang akong kumain ng samgyupsal.”

Proud na inamin ng aktres na natutuwa siyang maramdaman ang kanyang baby at lagi niya raw inaabangan ang pagsipa nito sa kanyang tiyan.

“And you know what I look forward to everyday? Or ‘yung gusto kong inaabangan? The baby kicks! Nararamdaman ko na ‘yung movement ng baby,” ani ni Kris.

Humiling pa ng dasal ang Kapuso star para sa kaligtasan ng kanyang panganganak at maging malusog ang kanyang baby paglabas.

Caption niya sa IG Story, “Pray for me too, for this whole journey to be smooth, for safe delivery, and for a healthy, normal, strong baby.”

Kamakailan lang ay nagkaroon ng “gender reveal” party ang aktres at mister nito na si Perry Choi na kung saan ay sabay-sabay nilang nalaman na magkakaroon sila ng isang baby girl.

Laking gulat ng aktres dahil akala niya ay isa itong lalake, pero excited na raw siya sa kanyang “mini me” dahil mabibihisan at maaayusan niya raw ito.

“Wooh! May babae na rin sa family! Matutupad na ang pangarap kong ayusan, bihisan, artehan,” excited na sambit ni Kris.

“Answered prayer talaga. ‘Yun nga, ang gusto ko girl kasi gusto kong bihisan. Pero gusto ko rin ng boy kasi gusto ko may kalaro rin ‘yung mga pamangkin kong mga boys,” mensahe pa ng aktres.

Matatandaan noong Marso ay inanunsyo ni Kris at ng kanyang mister na si Perry Choi ang bagong journey ng kanilang buhay sa pamamagitan ng napaka-cute na posters nitong buwan.

Related Chika:

Pagpo-propose ni Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose inaabangan na ng fans: ‘Naiihi kami sa sobrang kilig!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Banat ni Alex sa nang-asar nang malaglag ang baby niya: Masarap gumawa nang gumawa kaya teka gagawa ulit kami ni Mikee, wait…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending