Kris Bernal ‘di makapaniwalang ‘baby girl’ ang anak kay Perry Choi: Kasi lahat ng symptoms ko pang-boy! | Bandera

Kris Bernal ‘di makapaniwalang ‘baby girl’ ang anak kay Perry Choi: Kasi lahat ng symptoms ko pang-boy!

Pauline del Rosario |April 17,2023
facebook
share this

Kris Bernal ‘di makapaniwalang ‘baby girl’ ang anak kay Perry Choi: Kasi lahat ng symptoms ko pang-boy!

Pauline del Rosario - April 17, 2023 - 12:30 PM

Kris Bernal ‘di makapaniwalang ‘baby girl’ ang anak kay Perry Choi: Kasi lahat ng symptoms ko pang-boy!

PHOTO: Instagram/@krisbernal

LAKING gulat ng aktres na si Kris Bernal na babae ang magiging unang anak nila ng kanyang mister na si Perry Choi.

Noong April 16, nagkaroon ng bonggang “gender reveal party” ang mag-asawa at doon nila sabay-sabay nalaman ang kasarian ng kanilang baby.

Mapapanood sa YouTube live video ni Kris na ginawa ang party sa isang resort sa Pasay City na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at pamilya.

Kakaiba ang naging gimik ng mag-asawa sa kanilang gender reveal na kung saan ay nag-wrestling ang dalawang dinosaur mascots – isa ay kulay pink at ang isa ay blue.

Sa bandang huli ng laban ay nanalo ang kulay pink na dinosaur na ang ibig sabihin ay baby girl ang unang anak ng dalawa.

Gulat na gulat si Kris sa naging gender reveal dahil ang inaasahan niya raw ay isa itong lalaki.

“Akala ko talaga boy kasi lahat ng symptoms ko pang-boy. Tapos ‘yung tiyan ko patusok, akala ko boy,” sey niya sa party.

Baka Bet Mo: Kris Bernal ibinandera ang ‘first workout’ mula nang mabuntis: Nakakapanibago, parang hindi ako ‘to!

Dagdag pa niya, “Hindi ko talaga in-expect kasi ang alam ko boy. Kasi talagang fixed na ang utak ko. Tapos sabi ko, feel ko boy talaga.”

Gayunpaman ay excited na siyang ipanganak ang kanyang “mini me” dahil gusto na raw niya itong bihisan at ayusan.

“Wooh! May babae na rin sa family! Matutupad na ang pangarap kong ayusan, bihisan, artehan,” excited na sambit ni Kris.

“Answered prayer talaga. ‘Yun nga, ang gusto ko girl kasi gusto kong bihisan. Pero gusto ko rin ng boy kasi gusto ko may kalaro rin ‘yung mga pamangkin kong mga boys,” mensahe pa ng aktres.

Sa bandang huli ay lubos niyang pinasalamatan ang lahat ng dumalo sa kanilang party at humingi na rin ng dasal para sa kaligtasan ng kanyang panganganak.

“Thank you po sa lahat ng blessings and sana po isama niyo ako sa prayers niyo to have a safe delivery and sana maging smooth lang ‘yung pregnancy journey ko until the end,” sambit niya.

Aniya pa, “Today, I’m 22 weeks so halfway to go po so sana maging safe kami ni baby at maging strong pa ang relationship namin ni Perry.”

Related Chika:

Lyca sa viral vlog ni Karen: Sobrang totoo po ang gulat ko, ang pangit po ng gulat ko walang maganda!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ryza Cenon inireklamo ang P120k water bill: ‘Ano kami may carwash?!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending