Kris Bernal ibinandera kung gaano kaswerte kay Perry Choi: The best husband a girl could ask for! | Bandera

Kris Bernal ibinandera kung gaano kaswerte kay Perry Choi: The best husband a girl could ask for!

Therese Arceo |April 13,2023
facebook
share this

Kris Bernal ibinandera kung gaano kaswerte kay Perry Choi: The best husband a girl could ask for!

Therese Arceo - April 13, 2023 - 05:44 PM

Kris Bernal ibinandera kung gaano kaswerte kay Perry Choi: The best husband a girl could ask for!
PROUD na proud ang aktres na si Kris Bernal sa kanyang asawang si Perry Choi lalo na sa kung paano siya nito alagaan ngayong nagdadalangtao siya.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi ng soon-to-be momma ang isang video kung gaano kasipag ang kanyang asawa sa paggawa ng gawaing bahay.

“The best husband a girl could ask for! Thank you for all that you do!” sey ni Kris sa caption.

Makikita sa video ang Perry Choi na naglilinis ng bahay, nagpaplantsa ng damit, naglilinis ng CR, naggo-grocery, at nagluluto para sa kanila.

May makulit ngang ganap si Kris dahil kunyari ay hindi na niya maisuot ang kanilang wedding ring pagtapos ay makikita si Perry na abala sa gawaing bahay.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang cute video ni Kris.

“Hahaha!! Love this twist to that trend!!” sey ni Janeena Chan.

Baka Bet Mo: Kris Bernal ‘hulog ng langit’ ang turing kay Perry Choi: Thank you for giving me my dream wedding…

Comment ng isang netizen, “Best part is, he can cook and he looks like he will do it willingly without asking him.”

“You’re so blessed Kris sa hubby mo,” sabi naman ng isa.

“Amazing hubby. Its a twist now i know why ur happy,” saad ng isa pang netizen.

Sa ngayon ay looking forward at super excited na sina Kris at Perry na i-welcome ang kanilang panganay na anak.

5 months na ang ipinagbubuntis ng aktres at super excited na itong ipaalam sa madlang pipol kung ano ang gender ng kanilang anak.

Sa isa sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Kris na sa darating na Linggo, April 16, mapapanood sa kanyang YouTube channel kung gender reveal ng kanilang baby.

“We’re so happy to know little CHOI is healthy – an answered prayer. But of course, we asked them to keep the baby’s gender from us since we also want to know the great news same time as you guys!” saad niya.

September 2021 nang magpakasal si Kris at Perry matapos ang ilang beses na pagre-reschedule dahil sa pandemya.

Related Chika:
Kris Bernal umiyak nang bongga nang ma-postpone ang kasal: Pero ang mahalaga tuloy pa rin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo ni Kris kay Aljur: Ask for God’s guidance kung saan ka dapat at ano ang para sa iyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending