Payo ni Kris kay Aljur: Ask for God's guidance kung saan ka dapat at ano ang para sa iyo... Bandera

Payo ni Kris kay Aljur: Ask for God’s guidance kung saan ka dapat at ano ang para sa iyo…

Ervin Santiago |December 01,2021
share this

Payo ni Kris kay Aljur: Ask for God’s guidance kung saan ka dapat at ano ang para sa iyo…

Ervin Santiago December 01, 2021 - 07:15 AM

Kris Bernal at Aljur Abrenica

KNOWS n’yo ba na kahit nagpakasal na at legal na silang mag-asawa ay hindi pa rin nagsasama sa isang bubong si Kris Bernal at ang kanyang mister na si Perry Choi?

Yes, yan ang natatawang inamin ng aktres nang matanong kung kumusta na ang kanyang married life at anu-ano na ang nagbago sa takbo ng kanyang life bilang isa na siyang misis ngayon.

Nag-guest si Kris last Sunday sa weekly comedy show ng GMA 7 na “The Boobay And Tekla Show,” at game na game nga siyang sumalang sa “May Pa-presscon” segment kasama ang mga host ng programa na sina Boobay at Super Tekla.

Dito nga natanong nga si Kris tungkol sa buhay niya ngayon kasama ang kanyang businessman-husband na si Perry Choi. 

Kuwento ng aktres, sa totoo lang daw kahit kasal na sila ay hindi pa rin sila nakatira sa isang bahay dahil sa kani-kanilang mga trabaho.

Buti na nga lang at naiintindihan ni Perry ang kanyang work at ganu’n din siya sa asawa. Pero siyempre, looking forward na raw siya na magkasama na sila ni hubby sa iisang house.

Kasabay nito, nagpasalamat din siya sa Diyos dahil ibinigay sa kanya si Perry na naging sagot sa matagal na niyang ipinagdarasal na sana’y natagpuan na niya ang “the one” matapos ang ilang beses na pagkabigo sa pag-ibig.


Samantala, isa pa sa naitanong kay Kris ng dalawang “TBATS” host ay kung bakit hindi niya na-invite ang kaibigan at dating ka-loveteam na si Aljur Abrenica.

Ayon Kris, matagal na rin silang hindi nagkikita at nagkakausap ni Aljur pero nananatili naman ang kanilang friendship. 

Depensa ni Kris, hindi raw niya naimbitahan si Aljur sa kasal ni Perry na ginanap noong nagdaang Setyembre dahil limitado lang ang  bisita dahil sa COVID-19 pandemic.

Hiningan din siya ng reaksyon tungkol sa paghihiwalay ng mag-asawang Aljur at Kylie Padilla. Aniya, naging saksi rin siya sa pagmamahalan nina Kylie at Aljur at alam niya kung paano alagaan ng ex-couple ang isa’t isa. 

Magka-loveteam pa raw sila ni Aljur noong maging dyowa ng hunk actor si Kylie kaya more or less, nasubaybayan din niya ang kanilang love story.

“Pero siyempre may mga bagay na hindi rin natin alam, na hindi nila sinasabi, they want to keep to themselves, siyempre ako respeto ko ‘yon sa kanila,” sabi ni Kris.

Narito naman ang message niya kay Aljur, “As always thank you. Kasi hindi naman natin maabot ang estado sa career natin kung hindi natin pinagbutihan ang trabaho natin as a love team.

“Ipagdasal natin lahat. Ask for God’s guidance kung saan ka dapat at ano ang para sa iyo,” sabi pa ng aktres. Ipinagdiinan din niya na napakabait daw na tao ng estranged husband ni Kylie.

https://bandera.inquirer.net/294237/kris-bernal-hulog-ng-langit-ang-turing-kay-perry-choi-thank-you-for-giving-me-my-dream-weddinghttps://bandera.inquirer.net/293065/kris-emosyonal-sa-muling-pagkikita-nila-ng-fianc-were-both-super-afraid-of-covid-thank-you-lord

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending