2 empleyado ng bangko na pauwi na mula sa trabaho biglang ipinag-shopping ni Vice Ganda: #SanaAll! | Bandera

2 empleyado ng bangko na pauwi na mula sa trabaho biglang ipinag-shopping ni Vice Ganda: #SanaAll!

Alex Brosas |February 24,2022
facebook
share this

2 empleyado ng bangko na pauwi na mula sa trabaho biglang ipinag-shopping ni Vice Ganda: #SanaAll!

Alex Brosas - February 24, 2022 - 10:20 PM

Vice Ganda, Juvy at Jewel

KAY suwerte naman ng dalawang bank employees na napagpasyahan ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda na pasayahin.

Imagine, isang shopping spree sa isang kilalang boutique store ang ibinigay sa kanila ni Vice Ganda.  Nakita namin ang shopping spree ng dalawa na ipinost ng TV host sa kanyang latest YouTube vlog.

Random ang pagpili ng “It’s Showtime” host kung sino ang kanyang papasayahin noong araw na iyon hanggang mapili nga niya ang dalawang babaeng nagtatrabaho sa isang kilalang bangko.

“Maraming tao ang gusto ulit maka-experience ng shopping but since marami silang pina-prioritize ‘di ba, sa paggamit ng pera, ini-skip nila for more important things to do and more important things to consider,” say ni Vice.

Sa paglilibot niya sa kalye habang nakasakay sa kanyang kotse, nadaanan niya ang dalawang babae, sina Juvy at Jewel na pauwi na. 

Bago sila pumunta ng mall ay ipina-swab muna sila at maganda  naman ang naging resulta. Ang isa ay isang teller at ang isa naman ay accounting assistant sa isang bangko.

Para makita kung paano mag-dress ang dalawa, tiningnan ni Vice Ganda ang kanilang Instagram. After that, ayun, pili na nang pili ang mga hitad, shop ‘til they drop ang kanilang drama. Bags, dress, shorts, perfum, buy sila ni Vice Ganda.

Sa bandang huli, Vice played a  prank on them. Sinabi nitong may pupuntahan pa sila pero they cannot use their cellphone at hindi sila makakauwi sa araw na iyon. At ilang araw silang mawawala. 

Hindi ito kinaya ng isang girl na sinabing hindi siya puwedeng mag-absent sa work. ‘Yung isa girl naman ay puwede kaya ito ang isinama ng Unkabogable Star.  

Pero bandang huli ay hinabol niya ang girl na hindi pumayag na sumama at sinabing prank lang ito. 
Umabot sa more than 65,000 ang pinagsamang pinag-shopping ng dalawa.  

Ipinag-shopping pa niya ng bike ang anak ng bank employee at ang isa naman ay doll para sa pamangkin nito.

* * *

Bumigay na si Rica (Charlie Dizon) at tila sumuko na sa kanyang laban para sa hustisya matapos bumaligtad at pumanig ang technician sa mga kalabang Ramones “Viral Scandal.”

Hindi na rin magsasampa ng appeal si Rica dahil alam niyang wala na itong patutunguhan dahil pumanig sa mga kasinungalinan nina Jigs (Markus Patterson) at Archie (Vance Larena) ang korte.  

Para kay Rica, tama ng itigil na ito dahil naapektuhan na ang pagsasama nina Kakay (Dimples Romana)  at Dan (Miko Raval) pati ang buhay ng kapatid na sina Bea (Karina Bautista) at Nico (Louis Abuel). 

Gusto na niyan umusad sa buhay para sa ikatatahimik ng kanilang buhay at mas pagtuunan ng pansin ang kanyang trabaho.

Ngunit mukhang hindi titigil si Kakay na makamit ang hustisya lalo pa at tingin niyang makakatulong si Ella (Aya Fernandez) sa kanila nang makita niya ito sa labas ng courtroom.  

Ngayong alam na rin ni Ella ang nangyari kay Rica, mananahimik na lang ba siya o tutulong kina Rica na ipakulong sina Jigs at Archie?

Samantala, dapat abangan ng manonood ang “Viral Family Karaoke Nights” na parte sa 100 araw na fundraising drive ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation para sa mga nasalanta ng bagyong Odette simula ngayong Peb. 28 (Lunes) hanggang Marso 2 (Miyerkules). 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa loob ng tatlong gabi, samahan ang “Viral Scandal” cast na sasabak sa karaoke challenge para makapagbigay saya at hikayatin ang mga fans na magdonate para sa house repair kits ng mga kababayan natin sa Visayas at Mindanao. 

Ang “Viral Scandal” ay nasa ilalim ng direksyon nina Dado Lumibao at Froy Allan Leonardo at produksyon ng RCD Narratives. Napapanood ito gabi-gabi, 9:20 p.m. sa Kapamilya Channel.

Vice sa pagkatalo ni Beatrice sa Miss U: Panalo pa rin ang ‘Pelepins’ dahil pinakamaganda si Marian!

Rica maraming pangakong ‘napako’ dahil sa anak, payo sa mga mommy: Never stop listening to your kids

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending