Mark sa pa-surprise bouquet kay Jojo: ‘Just to show support!’

Mark Herras sa pa-surprise bouquet kay Jojo Mendrez: ‘Just to show support!’

Pauline del Rosario - March 06, 2025 - 10:43 AM

Mark Herras sa pa-surprise bouquet kay Jojo Mendrez: ‘Just to show support!’

Mark Herras, Jojo Mendrez

MAY paglilinaw ang actor-dancer na si Mark Herras matapos sorpresahin ang The Revival King na si Jojo Mendrez ilang linggo na ang nakaraan.

Magugunitang naging usap-usapan sa social media ang biglang pag-appear ni Mark sa contract signing event ni Jojo sa Star Music PH na kung saan nagbigay ito ng flowers sa singer.

Ayon sa aktor, ito ay para lang magpakita ng suporta sa kanyang close friend.

“Just to be there and show my support kay Jojo. I mean, yeah, we started as [katrabaho], and eventually, naging close friends kami. Wala namang masama magbigay ng bulaklak,” sagot niya sa isang interview kasama ang showbiz reporter na si Rodel Fernando na mapapanood sa Facebook.

Baka Bet Mo: Lolit Solis: Kung maibibigay ni Jojo yung kailangan ni Mark, why not?

Nanindigan din si Mark na may maganda silang relasyon bilang kaibigan at katrabaho.

“Ganito lang ho ‘yan. Kapag sinabi kong meron, ang daming magre-react, ang daming magbabash or magsasabi ng kung ano-ano. Kapag sinabi kong hindi, magtatanong pa rin sila. So bahala sila. Bahala po kayo isipin kung anong gusto niyong isipin, basta wala kaming ginagawang masama,” sey ng actor-dancer.

Paliwanag niya, “We have this very, very good relationship as friends and colleagues. ‘Yung mga nangyayari ngayon and sa mga issues, kayo na bahala… Nagtatrabaho lang ang tao.”

Kung matatandaan, nauna nang itinanggi ng dalawa na may “something” sila matapos kumalat sa social media ang litrato nila na spotted na magkasama sa isang hotel casino.

“Hindi totoo ‘yung chismis. Wala ‘yun malisya kasi nagkaroon lang ng collaboration sa Okada,” giit ni Jojo sa interview ng showbiz insider na si Ogie Diaz na ang tinutukoy niya ay ‘yung ginawa nilang video reaction para sa kantang “Somewhere In My Past.”

Nagakataon din daw kasi na naka-check in ‘yung kanyang managers: “So kukunan sana siya ng video reaction sa Starbucks, e, maraming tao. Kaya sabi ng managers ko, doon na lang sa room. Doon kami nakunan ‘nung naglalakad kami.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi pa ni Jojo na hindi na ni-release ng management ‘yung naturang video dahil tuloy-tuloy na ang isyu at ayaw na nilang madagdagan ang intriga.

Samantala, si Mark ay kasal sa non-showbiz partner na si Nicole Donesa at mayroon silang isang anak.

Kasalukuyang buntis si Nicole sa second baby nila ni Mark at ito ay isang baby girl!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending