Valentine’s Day madugo, malagim ang pinagmulan, pero punumpuno ng Feb-ibig?

EVERY year ay looking forward ang mga mag-asawa, mag-live in partners at iba pang klase ng magdyowa sa pagse-celebrate ng Araw ng mga Puso o Valentine’s Day tuwing February 14.
Asahan na ang pagtaas ng presyo ng mga bulaklak sa mga flower shop lalo na sa Dangwa at ang punuan at siksikan na mga resto at iba pang pasyalan at gimikan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
At siyempre, sure na sure rin kami na mahirap ding mag-book sa mga hotel, motel at iba pang establishments kapag sasapit ang love month.
Pero mga ka-BANDERA, knows n’yo ba kung paano at saan talaga nagsimula ang pagdiriwang ng Valentine’s Day? At kung bakit February 14 ang petsa nito?
Baka Bet Mo: Chie Filomeno sinupalpal si Valentine Rosales: Tumigil ka nang clout chaser ka!
Sa Finland, mas kilala ang nasabing okasyon bilang Friends’ Day dahil mas importante sa kanila ang pagkakaibigan kesa sa romantic love o pakikipagrelasyon.
Ang Saint Valentine’s Day naman o ang Araw ng mga Puso ay nag-start sa araw ng kapistahan sa Western Christian kung saan binibigyang-parangal nila ang unang naging santo na kilala bilang si Valentinus.
Nagmula ang Valentine’s Day sa paganong pagdiriwang na Lupercalia. Dito nakaugalian na ng mga tao ang pagsasayaw at pag-inom ng alak.
Taong 496, iniutos ni Santo Papa Gelasius I na gawing Kristiyanong ritwal ang mga ganitong uri ng selebrasyon hanggang sa tawagin na itong Valentine’s Day, bilang pagpupugay sa patron nitong si San Valentín o St. Valentine.
Base sa record, tatlong San Valentín ang nabuhay noong panahong iyon – isang pari ng Roma, isang obispo ng Interamna (Terni), at isang martir mula sa Roma na siyang itinuturing na santo ng pag-ibig.
Noong unang panahon, ipinagbawal ni Emperador Claudius Gothicus o mas kilalang “bilang Claudius the Cruel” na magpakasal ang mga sundalo ng Roma dahil nanghihina raw ang mga sundalo kapag may digmaan.
Nasaksihan ni San Valentin o San Balentino ang matinding kalungkutan ng mga sundalo dahil sa utos ni Claudius kaya kapag may lumalapit sa kanyang mga sundalo na nais magpakasal ay palihim siyang nagsasagawa ng seremonya. Nang mabuking ito ng emperor ay ipinakulong siya agad-agad.
Noong nasa kulungan siya, balitang nakapagpagaling siya ng isang babaeng bulag hanggang sa kumalat ang iba pa niyang nagawang himala. Na-impress sa kanya si Claudis II, ngunit hindi pa rin niya binawi ang kautusang bawal mag-asawa ang mga sundalo.
Tinutulan pa rin ito ni San Balentino kaya naman hinatulan siyang bugbugin hanggang sa mamatay at pugutan sa araw ng Pebrero 14, 270 AD.
Bukod pa rito, pinaniniwalaang si San Balentino rin ang kauna-unahang nagbigay ng Valentine’s card sa isang taong minahal niya nang dumadalaw ito sa kulungan.
Ang babae ay anak ng isang tagabantay sa kulungan at bago siya namatay ay naibigay niya ang kanyang sulat na may nakasulat na “from your valentine.”
Dahil sa mga naitalang kabayanihan pati na ang ipinakitang pananampalataya ni Valentine ay ginawa siyang Santo ng Pag-ibig ni Pope Gelasius I noong 496 A.D..
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.